Magtanong at makakuha ng mga sagot ng eksperto sa IDNStudy.com. Magtanong ng anumang bagay at makatanggap ng agarang tugon mula sa aming dedikadong komunidad ng mga eksperto.
Sagot :
Answer:
SA nakaraang State of the Nation Address (SONA) ni President Duterte, wala siyang nabanggit ukol sa perwisyong trapik na nararanasan sa Metro Manila. Nakasentro ang kanyang SONA sa paglaban sa droga, rice cartel, iresponsableng pagmimina, corruption, Bangsamoro Law, at iba pa pero walang ulat ukol sa lagay ng trapiko sa Metro Manila.
Hindi kaya siya na-update ng Department of Transportation at Metro Manila Development Authority ukol sa problema ng trapiko na halos araw-araw ay perwisyo na sa mamamayan. Hindi lamang sa EDSA mabigat ang trapik ngayon kundi sa mara-ming lansangan na. Sa usad-pagong na kalagayan ng trapiko, maraming oras na nasasayang at nawawalan ng bilyong piso ang bansa dahil sa problemang ito. Ayon sa report, ang Metro Manila ay ikatlo sa mga siyudad sa Southeast Asia na grabe ang trapik. Una ang Jakarta at ikalawa ang Bangkok.
Wala ngang nabanggit ang Presidente sa problemang trapik at nakapagtataka ito. Noong SONA 2017, mahaba ang kanyang ulat ukol sa trapik at inatasan pa niya ang mga awtoridad na alisin ang lahat nang sagabal sa EDSA para mapaluwag ang trapik. Lahat nang obstructions ay kailangang alisin para maisaayos ang daloy ng trapiko.
Ang iyong presensya ay mahalaga sa amin. Magpatuloy sa pagtatanong at pagbabahagi ng iyong nalalaman. Ang iyong ambag ay napakahalaga sa aming komunidad. Salamat sa pagbisita sa IDNStudy.com. Nandito kami upang magbigay ng malinaw at tumpak na mga sagot.