Sumali sa IDNStudy.com at tuklasin ang komunidad ng pagbabahagi ng kaalaman. Magtanong ng anumang bagay at makatanggap ng detalyadong sagot mula sa aming komunidad ng mga eksperto.
Sagot :
Answer:
1. Ang katatagan ng loob ay mahalaga sa isang tao. Kapag matatag ang loob ng isang tao ay nalalampasan niya ang bawat pagsubok. Ano man ang pagsubok na dumating ay hindi niya ito inaayawan. Sa halip, ay buong lakas na hinaharap. Kaya, mahalagang ang isang tao ay may matatag na kalooban.
2. Maaga pa ay gising na lahat ang mga tao sa bahay ni Mang Isidro. Ang bawat isa ay abalang nagbibihis at naghahanda papunta sa simbahan. Nakasuot ng magandang putting damit si Eloisa. Ito ang araw ng kanyangkasal.
3. May iba’t ibang kahulugan ang bawat kulay. Ang asul ay kapayapaan at ang pula ay katapangan. Pag-ibig naman ang kahulugan ng rosas at panibugho naman ang dilaw. Kasaganaan naman ang berde at kalungkutan ang itim. Marami pang kulay ang may kahulugan.
4. Ang aklat ang nagbibigay ng iba’t ibang impormasyon. Ito rin ang nagdadala sa atin sa iba’t ibang bansa sa pamamagitan ng pagbabasa. Ang dating tao ay nagbabago rin. Ang lahat ng bagay ay matututunan natin sa aklat. Ito ang mga kahalgahan ng aklat.
5. Malalaki at matataas na gusali ang matatagpuan sa Ayala, Makati. Kilalang-kilala ang lungsod na ito dahil na rin sa mga subdibisyong magagara at malapalasyong bahay ng mga milyonaryo. Narito rin ang iba’t ibang hotel at restawran na tanyag. Ang Makati ay isa sa pinakamayamang lungsod ng bansa.
~Kindly correct me if I'm wrong(^^)
Salamat sa iyong pakikilahok. Patuloy na magbahagi ng iyong mga ideya at kasagutan. Ang iyong ambag ay napakahalaga sa aming komunidad. Para sa mabilis at eksaktong mga solusyon, isipin ang IDNStudy.com. Salamat sa iyong pagbisita at sa muling pagkikita.