Makakuha ng mabilis at malinaw na mga sagot sa IDNStudy.com. Magtanong ng anumang bagay at makatanggap ng kumpleto at eksaktong sagot mula sa aming komunidad ng mga propesyonal.
Sagot :
Answer:
ANG WIKANG FILIPINO SA EDUKASYONG PANTEKNOLOHIYA:
ISANG TEKNOLINGGUWAL NA PAGTALAKAY
"Isandaan at walumpu (180) sa humugit-kumulang na anim na libong buhay na wika sa daigdig ay matatagpuan sa Pilipinas. Ang ganitong sitwasyon ay maituturing na isang penomenong pangwika na nagaganap sa isang lipunan. Sa katunayan, bawat wika sa mundo ay maikakategorya batay sa uri nito. May mga wikang intelektuwalisado at malawakang ginagamit sa iba’t ibang antas ng komunikasyong pasalita at pasulat, halimbawa nito ay ang English, French, Spanish at German. Samantala, may mga wika rin na masasabing intelektuwalisado subalit limitado ang gamit sa mga bansang mauunlad gaya ng wikang Korean at Niponggo (tonal languages kung ituring ang mga ito). Higit sa lahat, may tinatawag na papaunlad na mga wika sa mundo na karaniwang matatagpuan sa Asya gaya Filipino, Malay at iba pa. Tinawag itong papaunlad dahil patuloy itong dinedebelop sa pamamagitan ng mga lingguwistikong pag-aaral hinggil sa mga kalagayang pangwika sa ating bansa.
Pinatutunayan lamang nito na bawat wika ay may kani-kaniyang papel na ginagampanan sa tinatawag nating pangkat-wika o speech community. Kung kaya, sa larangan ng lingguwistiks, walang tinatawag na superyor at/o inferyor na wika. Nangangahulugan lamang na ang isang wika ay nararapat na mabisang tugunan ang pangangailangan ng mga gumagamit nito. Halimbawa, ang paggamit ng Filipino ay nakatutugon sa mga personal na pangangailangan ng mga Pilipino. Ang mga pangangailangang ito ay tumutukoy sa kanyang emosyon, paniniwala at mga adhikaing nais niyang personal na maipaabot sa kanyang kapwa. Sa kabilang banda, ginagamit naman natin ang English (American English ang tinutukoy ko rito at hindi ang ibang varayti ng English sa mundo) para sa ating instrumental na pangangailangan. Sa pamamagitan nito, malayang nagagawa ng mga Pilipino na makipagtalastasan tungo sa paghahanap ng trabaho sa ibang bansa. Nagsisilbi itong instrumento sa pang-empleyong perspektiba gayundin naman sa aspektong pangsosyalisasyon.
Bunsod ng ganitong sitwasyon ang pagpapakita ng halaga sa pagkakaroon ng sarili o pampersonal na wika, pambansang wika at mga wikang global. Marami man ang wika sa buong daigdig gayundin sa Pilipinas, hindi maaaring pagkumparahin ang bawat isa. Dahil ang WIKA MO, ang tumutulong sa iyo upang lubos mong maiparamdam ang nais mo sa pinakamabisang paraan. Bukod pa, hatid din nito ang kristalisado at awtentikong mensahe na hindi kayang maibigay ng kahit na anong banyagang wika. Ang WIKANG FILIPINO naman ang nagsisilbing wika ng nagkakaisang bansa. Ito rin ang wikang nagiging daluyan ng mga mahahalagang impormasyong politikal at sosyal na kayang-kayang maipaabot anumang antas ng kabuhayan ang iyong kinabibilangan. Ang pagsulong at pagtangkilik sa wikang ito ang tutulong sa bawat Pilipino na maunawaan ang mga pinakamahihirap na konsepto ng mundo. Higit sa lahat, ang WIKA NG MUNDO ang siyang nagiging tagapag-ugnay sa mas malawak na impormasyon. Nagagawa nitong maging kongkreto ang global village kung saan bawat tao ay malayang nauunawaan ang wika, kultura gayundin ang mga paniniwala ng iba’t ibang nasyon.
Explanation:
Sana Makatulong!
Natutuwa kami na ikaw ay bahagi ng aming komunidad. Magpatuloy sa pagtatanong at pagbibigay ng mga sagot. Sama-sama tayong lumikha ng isang mas matibay na samahan. Ang IDNStudy.com ay laging nandito upang tumulong sa iyo. Bumalik ka palagi para sa mga sagot sa iyong mga katanungan.