Suriin ang IDNStudy.com para sa mabilis na mga solusyon sa iyong mga problema. Makakuha ng impormasyon mula sa aming mga eksperto, na nagbibigay ng detalyadong sagot sa lahat ng iyong mga tanong.




40. Si Joshua ay nagdesisyon ng itigil ang labis na paginom ng alak. Bahagi ng kaniyang pagbabago ay ang paghahanap ng ibang bagay na mapagkakaabalahan gaya ng ehersisyo at negosyo. Naisasagawa ba ni Joshua ang maunald na paggamit ng Kalayaan? *

1 punto

A. Oo, dahil pinili niyang wag uminom ng alak.

B. Hindi, dahil hindi na naaalis ang bisyo ng isang tao.

C. Hindi, dahil ang desisyon na ito maaring mabago kahit anong oras niyang naisin.

D. Oo, dahil nagdesisyon siyang gamitin ang kaniyang oras sa mga bagay na matutulong sa kaniyang pagunlad bilang isang tao.

41. Ang pagbuo ng isang angkop na pagpapasiya ay kayang linangin at matutunan ng tao. Ang pahayag na ito ay: *

1 punto

A. Mali, dahil kung nasimulan mong mali ay matatapos kang mali.

B. Tama, dahil madaling magpasiya sa pamamagitan ng damdamin.

C. Tama, dahil bahagi ito ng mga kakayahan na ipinagkaloob sa tao.

D. Mali, dahil kinakailangan ng malalim na pag-aaral at pagsasaliksik upang magawa ito.

42. Hindi nagtatapos ang paghahanap ng Isip sa Katotohanan. Ang pahayag ay: *

1 punto

A. Mali, dahil natatapos na ito sa oras ng pagkamatay ng tao

B. Tama, dahil hindi katulad ng katawan, ang isip ay hindi nagpapahinga.

C. Tama, dahil ang isip ng tao ay hindi perpekto at maraming nais malaman.

D. Mali, dahil humihinto ang tao kapag nahanap na niya ang kaniyang kaganapan

43. Naiwan kang mag-isa sa inyong silid-aralan, Nakita mong nakabukas ang bag ng iyong kamag-aral at napansin mo ang wallet niya na nasa loob nito. Alin sa sumusunod ang pinaka tamang gawin sa sitwasyong ibinigay? *

1 punto

A. Hayaan na lamang ito total hindi naman ito sa akin.

B. Kunin ang wallet at ibigay sa kamag-aral na nagmamay-ari.

C. Itago ang wallet hanggang sa hanapin ng may-ari upang maturuan ng leksyon.

D. Isara ang bag at kausapin ang kamag-aral na may-ari ng wallet na mas maging maingat.

44. Alin sa sumusunod ang hindi kabilang sa katangian ng konsensiya? *

1 punto

A. Ang konsiyensiya ang batayan ng Diyos sa paghuhusga ng tama o mali.

B. Ang konsiyensiya ang bumabagabag sa tao kapag gumawa siya ng masama.

C. Ang konsensiya ang nagsisilbing testigo sa bawat kilos na ginagawa ng isang tao.

D. Ang konsensiya ang nagbibigay kakayahan sa tao upang mapukaw ang magpapalala sa dapat at di dapat gawin.

45. “Kung ano ang tanim, siya ring aanihin.” Ano ang nais iparating ng kasabihang ito sa ating paggamit ng kalayaan? *

1 punto

A. Ang bawat bunga ng kilos ng tao ay nakabatay sa tunguhin nito.

B. Kung ang pipiliin nating landas ay tungo sa kabutihan ito ay makatutulong sa ibang tao

C. Sa bawat kilos na ating pipiliin ay laging magkakaroon ng epekto sa atin o sa mga tao sa paligid natin.

D. Wala sa nabanggit.

46. Ayon kay Sto. Tomas de Aquino ang kalayaan ay katangian ng kilos-loob na itakda ng tao ang kanyang kilos tungo sa maaaring hantungan at ang paraan upang makamit ito. Ito ay nangangahulugang: *

1 punto

A. Nasa kamay ng iba ang hantungan ng mga ikinikilos ng isang tao.

B. Malaya ang tao na gamitin ang kaniyang isip sa pagbubuo ng pasya na tungo sa kabutihan.

C. Malaya ang taong gamitin ang kanyang kilos-loob upang pumili ng partikular na bagay o kilos.

D. Wala sa nabanggit.

47. Ang lipunan ay iiral na puno ng pang-aapi at deskriminasyon, hindi ito magiging masaya, matiwasay at maunlad. Hindi magkakaroon ng kapayapaan ang puso ng lahat ng tao dahil namamayani ang takot na maapi ng kaniyang kapwa. Paano ito maaring mapigilan? *

1 punto

A. Kung magkani-kaniyang diskarte ang mga tao.

B. Kung gagamitin ng tao ang kaniyang Kalayaan na ipahayag ang lahat ng nais sabihin.

C. Kung ang mauunawaan lang ng lahat na bawat tao ay may dignidad na dapat igalang at pahalagahan.

D. Wala sa nabanggit.

48. Ang sumusunod ay kahihinatnan ng paggalang ng tao sa bawat dignidadmaliban sa: *

1 punto

A. Pagiwas sa anumang kaguluhan at pang-aapi.

B. Pagmamahalan at paggalang sa pagitan ng kapwa.

C. Matibay na ugnayan sa pagitan ng mga mayayamang tao lamang.

D. Lahat ng nabanggit

49. Mahalagang tumulong ang buong lipunan upang maiangat ang dignidad ng lahat ng tao dahil sa lipunan ito nagmumula. Ang pahayag ay: *

1 punto

A. Mali, dahil sa Diyos nagmumula ang dignidad ng tao.

B. Tama, dahil utang na loob ng tao sa lipunan ang diwa ng dignidad.

C. Tama, dahil ang lipunan ang nagpapanatili sa mga tao upang maging maayos.

D. Mali, dahil kailangang igalang ng mamamayan ang katayuan ng mga tao na mas mataas ang katungkulan sa pamahalaaan.

50. Ang kasabihan na “Huwag mong gawin sa iba ang ayaw mong gawin ng iba sa iyo” ay nangangahulugang mahalin mo ang iyong kapwa katulad ng pagmamahal mo sa iyong sarili. Ang pahayag na ito ay: *

1 punto

A. Mali, dahil magkakaba ang pagpapahalaga ng bawat tao.

B. Tama, dahil sa ganitong paraan, mas igagalang ng tao ang bawat isa.

C. Mali, dahil Diyos lamang ang may kakayahan upang magmahal ng tunay.

D. Mali, dahil kailangang ng mahigpit at malinaw na batas sa mga tao at malayong mangyariang pagmamahalan dahil hindi lahat ng tao ay mabuti.


Sagot :

Answer:

40. D. Oo, dahil nagdesisyon siyang gamitin ang kaniyang oras sa mga bagay na matutulong sa kaniyang pagunlad bilang isang tao.

41. C. Tama, dahil bahagi ito ng mga kakayahan na ipinagkaloob sa tao.

42. C

43. B

44. A

45. C

46. B

47. C

48. C

49. D

50. D