Makakuha ng detalyadong mga sagot sa iyong mga tanong gamit ang IDNStudy.com. Anuman ang kahirapan ng iyong mga tanong, ang aming komunidad ay may mga sagot na kailangan mo.

ilahad ang mga paraan kung paano isasabuhay ang mga birtud

5 pangungusap


Sagot :

Paraan kung paano maisasabuhay ang birtud at pagpapahalaga;

Gamitin ang mga mahahalagang birtud at moral na mga pagpapahalaga ito sa pang-araw araw na pamumuhay sa pamamagitan ng paggawa ng kabutihan; ang pagtulong, paggalang at pagmamalasakit sa kapwa.

Magkaroon ng masusing pagpapasiya at pag-iisip sa mga bagay na nangangailangan ng kritikal at malikhaing pag-iisip para magresulta sa paggawa ng tama at naayon sa sitwasyon.

Kapag nakaranas ng mga pagsubok, problema o suliranin, magkaroon ng lakas ng loob at tiwala sa sarili upang makahanap ng solusyon.

Piliin lagi ang paggawa ng tama at dapat sa kahit na anumang sitwasyon.

Mahalin at magpasalamat sa mga bagay na mayroon ka, manalangin at magdasal sa Panginoon upang humingi ng gabay sa paggawa ng nararapat at tama sa lahat ng pagkakataon sa pamamagitan ng paggamit ng mga mabubuting birtud at pagpapahalaga.

Ang birtud o virtue ay nangangahulugan ng pagiging matatag at pagiging malakas. Ang tao ay may mag katulad na isip ngunit hindi tayo magkakatulad ng kaalaman. Ito ay laging nakaugnay sa pag-iisip at pagkilos ng tao.

Dalawang Uri ng Birtud

1. Intelektuwal na Birtud

Ang intelektuwal na birtud ay may kinalaman sa isip ng tao, “gawing kaalaman (habit of knowledge)”.

2. Moral na Birtud

Ang moral na birtud ay may kinalaman sa pag-uugali ng tao.

Ito ay ang papapaunlad ng ating kakayahang gumawa ng mabuti at umiwas sa masama na siyang gawain ng ating kilos-loob.

Ito ay may kinalaman sa pag-uugali ng tao at ang mga gawi na nagpapabuti sa tao na nagtuturo sa atin na iayon ang ating ugali sa tamang katuwiran.

Ang pagpapahalaga o values ay ang nagdidikta at ginagamit na basehan sa paggawa ng mga pasya at desisyon sa buhay na nagmumula sa labas ng tao. Ito ang naghuhusga at nagdidikta sa tao ng tama at mali.

Dalawang Uri ng Pagpapahalaga o Values

1. Pagpapahalagang Moral (Moral Values)

Ito ay pangkalahatang katotohanan (universal truth) na tinatanggap ng tao bilang mabuti at mahalaga na matibay na nagbibigay ng importansya sa buhay ng isang tao.

2. Pagpapahalagang Kultural na Panggawi (Cultural Behavioral Values)

Ito ay mga pagpapahalagang nagmula sa loob ng tao.

Ito ay maaaring pansariling pananaw ng tao o kolektibong paniniwala ng isang pangkat kultural.

Kasama rito ang pansariling pananaw, opinyon, ugali at damdamin

hope it helps ☺️