IDNStudy.com, ang iyong mapagkukunan ng mabilis at eksaktong mga sagot. Ang aming komunidad ay handang magbigay ng malalim at praktikal na mga solusyon sa lahat ng iyong mga katanungan.
Sagot :
Answer:
Ang argumentatibo at persuweysib ay dalawa lamang sa mga uri ng teksto. Layunin ng tekstong argumentatibo na ipagtanggol ng may-akda ang kanyang posisyon sa isang paksa o usapin na gagamitin samantala ang tekstong persuweysib naman ay may layunin na kumbinsihin ang mga mambabasa o sumang-ayon sa may-akda tungkol sa isang isyu.
Ang mga Pagkakaiba
Sa argumentatibo, ang paksa o pananaw ay naglalatag ng mga katotohanan at ebidensya para makuha ang kahalagahan ng paksa mula sa personal na pag-aaral, karanasan, pananaliksik at iba pa. Layunin nito na matanggap ng mga mambabasa ang kanyang sariling pananaw samantalang ang tekstpng persuweysib ay nagbibigay mga katotohanan para mahikayat ang mga mambabasa.
Sa argumentatibo, ipinaglalaban ng manunulat ang sarili niyang pananaw kahit na hindi sumang-ayon ang mga mambabasa samantala sa tekstong persuweysib, nakatakda na ang mga madla na reresponde sa kanyang perspektibo.
Tekstong Persuweysib
Paano kita mahihikayat?
Sa pagsulat ng tekstong ito, gumagamit ang manunulat ng mga pagpapatunay mula sa mga siyentipikong pag-aaral at mga pagsusuri. Hindi dapat magpahayag ng mga personal na opinyon ang isang manunulat sa tekstong ito.
Ang isang tekstong persuweysib ay naglalaman ng:
Malalim na pananaliksik
Mga kaalaman na posibleng pinaniniwalaan ng mga mambabasa
Malalim na pagkaunawa sa dalawang panig ng isyu
Tekstong Argumentatibo
Ipaglaban ang Katuwiran
Sa pagsulat ng tekstong ito, nangangailangan ang manunulat ng masusing imbestigasyon katulad ng pangongolekta at ebalwasyon ng mga ebidensiya.
Mga elemento ng Pangangatuwiran
Proposisyon
Argumento
Katangian ng mahusay na tekstong argumentatibo:
Dapat tiyakin ng may-akda na mahalaga at napapanahon ang mga paksang gagamitin.
Tukuyin ng malinaw ang tesis sa unang talata ng teksto. Maikli man ito pero malaman.
Ang mahusay na argumento ay may malinaw na transisyon sa pagitan ng mga bahagi ng teksto.
Maayos ang pagkakasunod-sunod ng mga talata.
Taglay ng tekstong argumentatibo ang matibay na mga ebidensiya para sa argumento.
Iba pang impormasyon para sa pagkakaiba ng argumentatibo at persuweysib ang link na:
brainly.ph/question/532257
Natutuwa kami na ikaw ay bahagi ng aming komunidad. Patuloy na magtanong at magbahagi ng iyong mga ideya. Sama-sama tayong lumikha ng isang mas matibay na samahan. Umaasa kami na natagpuan mo ang hinahanap mo sa IDNStudy.com. Bumalik ka para sa mas maraming solusyon!