Makakuha ng mga sagot sa iyong mga tanong mula sa komunidad ng IDNStudy.com. Tuklasin ang mga kumpletong sagot sa iyong mga tanong mula sa aming komunidad ng mga eksperto.
Sagot :
NASYONALISMO SA ASYA
Ang pananakop,pagpapasailalim sa kapangyarihan at pagsasamantala ng mga bansang Kanluranin sa mga bansang Asyano, ang nagbigay- daan sa pag-usbong ng nasyonalismo sa Asya.
Ang nasyonalismo ay damdaming makabayan na maipakikita sa matinding pagmamahal at pagpapahalaga sa Inang-bayan,ayon sa aklat na SEDP Kabihasnang Asyano. Ang nasyonalismo sa Asya ay may ibat ibang anyo tulad ng defensive nationalism o mapagtanggol na nasyonalismo gaya ng ipinakita ng bansang Pilipinas at aggressive nationalism o mapusok na nasyonalismo na minsang ginawa ng bansang Hapon.
Ang pangunahing manipestasyon ng nasyonalismo ay pagkakaisa makikita ito sa pagtutulungan, pagkakabuklod sa iisang kultura, saloobin at hangarin. Maituturing ding manipestasyon ng nasyonalismo ang pagmamahal, pagtangkilik sa sariling mga produkto,ideya at kultura ng sariling bayan.
Naipapakita rin ang nasyonalismo sa pagiging makatwiran at makatarungan. Ang kahandaang magtanggol at mamatay ng isang tao para sa bayan ay maituturing na pinakamahalagang manipestasyon ng nasyonalismo.
• Dahil sa hangarin ng mga Asyano na wakasan ang panghihimasok ng mga Kanluraning bansa sa kanilang kinamulatang pamumuhay at makamtan ang kalayaan, maraming makabayang samahan ang naitatag sa Asya.Ang mga samahang ito ay pinangunahan ng mga kabataang nakapag-aral.Tunghayan natin ang nasyonalismong ipinakita sa Timog at Kanlurang Asya
Natutuwa kami na ikaw ay bahagi ng aming komunidad. Magpatuloy sa pagtatanong at pagbibigay ng mga sagot. Sama-sama tayong magtutulungan upang makamit ang mas mataas na antas ng karunungan. Ang IDNStudy.com ay nangako na sasagutin ang lahat ng iyong mga tanong. Salamat at bisitahin kami palagi.