Suriin ang IDNStudy.com para sa malinaw at detalyadong mga sagot. Ang aming komunidad ay nagbibigay ng eksaktong sagot upang matulungan kang maunawaan at malutas ang anumang problema.
Sagot :
Answer:
Ang relihiyon ay isang kalipunan ng mga sistemang paniniwala, mga sistemang kultural at pananaw sa daigdig na nag-uugnay ng sangkatuhan sa espiritwalidad at minsan ay sa moralidad.[1] Ang maraming mga relihiyon ay may mga mitolohiya, mga simbolo, mga tradisyon at mga sagradong kasaysayan na nilalayon na magbigay kahulugan sa buhay o ipaliwanag ang pinagmulan ng buhay o sansinukob. Ang mga ito ay humahango ng mga moralidad, etika, mga batas relihiyoso o pamumuhay mula sa mga ideya nito ng kosmos at kalikasan ng tao. Tinatayang may mga 4,200 relihiyon sa mundo sa kasalukuyan.[2] Ang karamihan ng mga relihiyon ay may organisadong mga pag-aasal, pinuno (gaya ng kaparian at pastor) o tagapagtatag, isang depinisyon ng kung ano ang bumubuo sa pagiging kasapi o pagsunod dito, mga banal na lugar at mga kasulatang relihiyoso. Ang pagsasanay ng relihiyon ay kinabibilangan rin ng mga ritwal, mga sermon, mga pag-alaala o benerasyon ng isang diyos, mga diyos o mga diyosa, mga paghahandog, mga pista, mga transiya, mga inisiasyon, mga puneral, mga matrimonyo, meditasyon, panalangin, musika, sining, sayaw, o iba pang mga aspeto ng kultura ng tao.
Ang salitang relihiyon ay minsang ginagamit upang ipalit sa pananampalataya. Gayunpaman, ayon kay Émile Durkheim, ang relihiyon ay iba sa pananamapalataya o paniniwalang pansarili o pribado dahil ang relihiyon ay isang panininiwala na natatanging pang panlipunan.
Explanation:
If my answer is wrong feel free to correct me thank you.
jennierubyjane AT YOUR AREA
Brainliest sana if gusto mo.
Hindi kita pinipilit. Kung pagbibigyan mo ang aking hiling. Ngayon palang Maraming salamat sayo. Hindi kita makakalimutan.
Ang iyong kontribusyon ay napakahalaga sa amin. Magpatuloy sa pagtatanong at pagbibigay ng mga sagot. Sama-sama tayong magtatagumpay sa ating layunin. Bumalik ka sa IDNStudy.com para sa maasahang mga sagot sa iyong mga katanungan. Salamat sa iyong tiwala.