IDNStudy.com, ang iyong destinasyon para sa malinaw at mabilis na mga sagot. Ang aming komunidad ay narito upang magbigay ng detalyadong sagot sa lahat ng iyong mga katanungan.

Panuto: Basahing mabuti ang kwento at ibigay ang impormasyong hinihingi
ng nakalarawang balangkas.
Malnutrisyon
Ano ang kahulugan ng malnutrisyon? Ito ay itinuturing na isang uri ng
sakit
m bunga ng kakulangan o labis na pagkain. Karaniwang anyo ng malnutrisyon sa
ating bansa ay kakulangan sa wastong pagkain lalo na yaong nagtataglay ng
protina. Ang isang palatandaan nito ay ang labis na kapayatan. Ang iba pang
palatandaan nito ay ang pamamaga ng mga bisig, paa, at mukha; pagnipis ng
hihok; at pagbabago ng kulay ng balat. Ang beri-beri, pulmonya, at tuberculosis o
sakit sa baga ay ilang mga karamdamang sanhi ng malnutrisyon.
Ano ang sanhi ng malnutrisyon? Pangunahing sanhi nito ay ang kahirapan
sa buhay. Maraming pamilya ang kumikita nang di-sapat para sa mga batayang
pangangailangan ng bawat miyembro ng pamilya. Dahil sa mataas na halaga ng
nga bilihin ngayon, kadalasang naisasakripisyo ang pagbili ng masustansiyang
pagkaing kailangan sa pagpapalakas ng katawan at isipan ng mga anak. Isa pang
sanhi ay ang kakulangan sa produksiyon ng pagkain tulad ng mga gulay, karne,
isda, at bungangkahoy. Lalo pang lumala ang kakulangan ng pagkain dahil sa
paglaki ng populasyon ng bansa.
Ano naman ang epekto ng malnutrisyon sa katawan ng tao? Marami itong
epekto. Dahil sa humihina ang kalusugan, madaling dapuan ng sakit ang tao.
Nabagal din ang pag-unlad ng kaniyang isip at bunga nito, mabagal ang pagkatuto.
Ano ang dapat gawin upang maiwasan ang malnutrisyon? Kailangan ang
pagtutulungan ng pamahalaan at sambayanan. Ang proyektong "Timbang at
Wastong Pagkain" ay dapat isagawa. Kailangan ang edukasyong pangnutrisyon
upang maturuan ang mga Pilipino sa pagkain ng masustansiya ngunit murang
pagkain, tulad ng gulay, na maaaring itanin sa kanilang mga bakuran.
Malnutrisyon
Mga Palatandaan
ng Malnutrisyon
I.
A.
B.
C.
D.
II.
Mga Sakit Bunga ng Malnutrisyon
A.
B.
C.
Mga Sanhi ng Malnutrisyon
III.
A.​


Panuto Basahing Mabuti Ang Kwento At Ibigay Ang Impormasyong Hinihinging Nakalarawang BalangkasMalnutrisyonAno Ang Kahulugan Ng Malnutrisyon Ito Ay Itinuturing class=

Sagot :

Answer:

1. Mga Palatandaan ng malnutrisyon

a. Kulang sa timbang at payat parang buto't balat ang pangangatawan o pagkapayat

b. pagkabansot

c. Kawalan ng ganang kumain o interes at kulang sa timbang sa kanyang edad

D. kakulangan sa timbang

2. Mga sakit bunga ng malnutrisyon

a. Eskirbe

b. kanser

c. kulang sa timbang at pagkabansot

mga sanhi ng malnutrisyon

A. kulang sa bitamina ang kinain na pagkain o kalorya ang pagkain na kailangan niya para sa malusog na pangangatawan. Walang sapat na bitamina ang pagkain sa bitamina ,protina at mineral

at kakulangan sa micro nutrient ang pagkain na kinakain niya niya sa araw-araw na nagdudulot sa isang tao ng pagkasakitin

b.