Suriin ang malawak na saklaw ng mga paksa at makakuha ng mga sagot sa IDNStudy.com. Tuklasin ang mga kumpletong sagot sa iyong mga tanong mula sa aming komunidad ng mga eksperto.
Gawain 1 Panuto: Piliin ang letra na makapagbibigay ng denotasyon, konotasyon at kontekstuwal na kahulugan ng mga salitang nakasalungguhit. Isulat ang sagot sa sagutang papel. 1. Naging usad-pagong ang pagdinig sa kasong inihain ng pamilyang Dela Cruz. A. mabagal B madali C. mabilis D. malakas 2. Nanggaling siya sa mabuting puno kaya angat ang kaniyang pagiging mabuti. A. angkan B. umaapaw C. pinuno D. malaking halaman 3. Mahalaga sa kaniya ang mga alaalang naiwan ng kaniyang nasirang asawa. A. namatay B. umalis C. naglakbay D. nangibang bansa 4. Mahigpit ang pagkakatali ng tanikala sa kanyang mga kamay. A. kadena B. sintas C. lubid D. sinturon 5. Mapanganib! Kamakailan lamang ang may nakitang buwaya sa bahaging iyan. A. manloloko B. taksil C. multo D. hayop na reptilya 6. Tunay na walang kapantay ang pagmamahal ng isang ilaw ng tahanan. A. ama B. ina C. anak D. kapatid 7. Magsunog ng kilay ang laging habilin ni inay. A. mag-ahit ng kilay B. sunugin ang kilay C. mag-aral nang mabuti D. tumulong sa gawaing-bahay 8. Halos isang taon na rin nang sila ay nagkadaupang-palad. A. nagkaayos B. nag-usap C. nagkakilala D. nagsulatan 9. Nalumpo ang maliliit na negosyo sa bansa dahil sa pandemya. A. nagpatuloy B. nalugi C. nagsara D. nalungkot 10. Pagkakapit-bisig at pagkakaisa ang susi sa maunlad na bayan. A. pag-ibig B. pagkakapantay C. paggalang D. pagtutulungan
Salamat sa iyong kontribusyon. Patuloy na magbahagi ng iyong karanasan at kaalaman. Ang iyong ambag ay napakahalaga sa aming komunidad. Gawin mong pangunahing mapagkukunan ang IDNStudy.com para sa maasahang mga sagot. Nandito kami para sa iyo.