Sumali sa IDNStudy.com para sa detalyadong mga sagot sa iyong mga tanong. Hanapin ang impormasyon na kailangan mo nang mabilis at madali sa pamamagitan ng aming komprehensibo at eksaktong platform ng tanong at sagot.

muli sa isang akda o narinig sa
paraan na ginagamitan ng sariling pananalita. Ito ay maikli ngunit
malaman at nagpapahayag ng
nito. Ang isinasama
lamang sa isang buod ay ang mga pangunahing
ang mga mahahalagang pangyayari, at ang kinahinatnan nito. Ang
pagbibigay ng lagom o buod ng tekstong nabasa o napakinggan
ay mainam na paraan upang
sa iba o maisalaysay
at maayos ang anumang akda. Sa ganitong
paraan makikita kung paanong ang
kuwento o
teksto ay
nang hindi nawawala ang kabuuang
mensahe nito. Mahalagang makabuo muna ng
pagbibigay ng lagom o buod ng isang kuwento at makatutulong
ang paglalapat ng balangkas nito gamit ang dayagram.
muli ng
sa​


Sagot :

Answer:

Ang paglalagom o pagbubuod ay ang pagsasalaysay o pagsusulat muli sa isang akda o narinig sa pinaikling paraan na ginagamitan ng sariling pananalita. Ito ay maikli ngunit malaman at nagpapahayag ng pinakadiwa nito. Ang isinasama lamang sa isang buod ay ang mga pangunahing tauhan, ang mga mahahalagang pangyayari, at ang kinahinatnan nito. Ang pagbibigay ng lagom o buod ng tekstong nabasa o napakinggan ay mainam na paraan upang maibahagi sa iba o maisalaysay muli ng malinaw at maayos ang anumang akda. Sa ganitong paraan makikita kung paanong ang mahabang kuwento o teksto ay napapaikli nang hindi nawawala ang kabuuang mensahe nito. Mahalagang makabuo muna ng balangkas sa pagbibigay ng lagom o buod ng isang kuwento at makatutulong ang paglalapat ng balangkas nito gamit ang dayagram​.

Explanation:

Sana makatulong :)