IDNStudy.com, ang iyong mapagkukunan ng eksaktong at maaasahang mga sagot. Alamin ang mga detalyadong sagot sa iyong mga tanong mula sa aming malawak na kaalaman sa mga eksperto.

ano ang iyong natuklasan sa iyong sarili matapos mong magawa ang gawain​

Sagot :

Pagkatuklas sa nagagawa natin

Malaking bagay ito sa atin bilang indibiduwal para maunawaan natin at magkaroon ng reyalisasyon sa buhay hinggil sa mga kakayahan natin. Nagdudulot ito ng pagbabago sa atin maging ang paggawa ng higit para mapanatili ang isang bagay. Gayundin, may epekto ang pagtuklas natin sa atin sarili para maging bukas ang isip.

Ang aking natuklasan sa sarili ko nang makita ko na natapos ko ang isang gawain:

Napansin ko sa aking sarili na may kakayahan ako na matapos agad ito basta may pagnanais ako na gawain ito. At nakita ko ang mga bagay na nakatulong sa akin upang magawa ko itong lahat gamit ang lakas at kakayahan ko. Isa pa, natutuhan ko rin sa pagtuklas sa sarili ko na dapat masanay ako lagi at magsikap na paunlarin ang sarili. Gayundin, nagkaroon ako ng reyalisasyon na magpursigi na gawin ang isang bagay na may motibasyon para mapasigla ako na ipagpatuloy.

Ilan sa mga maaari mong alalahanin o kaya tandaan:

Kaya sa buhay natin, ang pagtuklas sa sarili natin hinggil sa isang gawain ay tayo mismo ang maaaring makakita o makaobserba ng mga bagay-bagay. Tingnan natin mabuti at bigyang pansin ang mga napansin natin tungkol sa ating buhay para mapaunlad pa ang kakayahan at mapanatili ang mabubuting pagkilos na nagdulot ng magandang epekto. Tayo rin mismo ang makakatulong sa sarili natin para malaman natin agad kung ano ang kahihinatnan ng pagkilos natin tungkol sa gawain na isasagawa natin.

Maging mapagmasid tayo sa ating natatapos na gawain at pagkatapos ay bulay-bulayin ang mga nagawa kung bakit ito naisagawa agad. Magkaroon ng reyalisasyon lagi para maunawaan natin ang kinikilos natin sa buhay. Malaking bagay ang naidudulot nito kung saan mas nagsisikap pa tayo ng husto na ipagpatuloy ang mabuting paggawi. At mapapaunlad nito ang sarili natin na nauukol sa tama at nagsisikap na ituwid kung may pagkukulang man nagagawa.

May pagnanais ka pa bang makapagbasa? Puwede ka pang bumisita dito para sa karagdagang detalye:

Ano nga ba ang kahalagahan ng pagkakaroon ng tiwala sa sarili natin upang matuklasan ang ating mga talento at kakahayan na mayroon tayo: brainly.ph/question/8021443

#BrainlyEveryday