Maligayang pagdating sa IDNStudy.com, ang iyong platform para sa lahat ng iyong katanungan! Magtanong at makatanggap ng maaasahang sagot mula sa aming dedikadong komunidad ng mga eksperto.
Sagot :
Answer:
Nakasulat o hindi nakasulat na datos – Maituturing ang datos bilang nakasulat na datos kung mayroong limbag na dokumentong kaakibat nito. Kabilang dito ang mga libro, journal, magasin, pahayagan, liham, awtobiyograpiya, kronika, mapa, larawan, kalendaryo, at iba pang kasulatan. Sa kabilang dako, ang mga hindi nakasulat na datos ay pasalitang panitikan, sining audio-biswal, iba’t ibang labi, fossil, artifact, at iba pang katulad nito.
Primarya, sekondarya, o terserang datos – Maaari ding organisahin ang datos batay sa ikalawang klasipikasyon. Naituturing na primarya ang datos kung kapanahong saksi at may tuwirang kaugnayan ito sa pinag-aaralang paksa. Ibig sabihin, primarya ang datos kung nanggaling ito mismo sa tinutukoy na pangyayari sa paksang pinag-aaralan (Evasco et al. 2011). Halimbawa nito ay ang mga interbyu sa mga nakaranas ng torture noong rehimeng Marcos kung ang panahon ng Batas Militar ang pag-uusapan. Sekondarya naman ang datos kung hindi ito kapanahong saksi ng paksang pinagtutuunan at gumamit lamang ng mga primaryang datos. Halimbawa nito ang ulat sa pahayagan ng isang reporter tungkol sa naranasang torture ayon sa mga biktima. Terserang datos naman ang turing sa mga sangguniang gumamit, nagtipon, at naglagom ng mga primarya at sekondaryang datos. Halimbawa nito ang mga dokumentaryong nabuo hinggil sa Batas Militar. Sa puntong ito, mahalagang sabihin din na maraming mananaliksik ang hindi pinag-iiba ang sekondarya at terserang datos.
Salamat sa iyong pakikilahok. Patuloy na magbahagi ng iyong karanasan at kaalaman. Sama-sama tayong magtutulungan upang makamit ang ating mga layunin. Salamat sa pagpili sa IDNStudy.com. Umaasa kami na makita ka ulit para sa mas maraming solusyon.