IDNStudy.com, ang iyong mapagkukunan ng mabilis at eksaktong mga sagot. Sumali sa aming komunidad ng mga bihasa upang makahanap ng mga sagot na kailangan mo sa anumang paksa o problema.

ano ang alamat akdang wigan at bugan

Sagot :

Ito ay tungkol sa mag-asawang gustong magka-anak. Si Bugan ay naglakbay patungo sa tahanan ng mga diyos upang humingi ng tulong kung paano magka-anak. Sa kanyang paglalakbay, may nasalubong siyang mga nilalang. Gusto ni Bugan na lamunin siya ng mga ito dahil hindi siya magka-anak sa kanyang asawang si Wigan, ngunit, ayaw lamunin ng mga nilalang si Bugan dahil sa kagandahan nito. Nang nakarating siya sa tahanan ng mga diyos, tinuruan siya ng mga ito ng Bu-ad na ritwal. Ginawa ni Bugan ang ritwal ng makarating siya sa kanilang tirahan. Labis ang kagalakan ng mag-asawa nang magbunga ito makalipas ang ilang buwan.
Ang iyong aktibong pakikilahok ay mahalaga sa amin. Magpatuloy sa pagtatanong at pagbahagi ng iyong nalalaman. Sama-sama tayong lumikha ng isang masiglang komunidad ng pagkatuto. Salamat sa pagbisita sa IDNStudy.com. Nandito kami upang magbigay ng malinaw at tumpak na mga sagot.