Makahanap ng mga eksaktong solusyon sa iyong mga problema gamit ang IDNStudy.com. Hanapin ang mga solusyong kailangan mo nang mabilis at tiyak sa tulong ng aming mga bihasang miyembro.
Sagot :
Ang uri ng
pamahalaan mayroon ang Singapore ay PARLAMENTO o PARLIAMENT sa Ingles.
Maaari ding sabihing PARLIAMENTARY.
Sa katunayan, ang parlamentarismong Ingles ang siyang nagbigay-diwa o nagbunsod
sa konstitusyon ng bansang Singapore. Ang
sistema ng ganitong klase ng gobyerno ay kahawig ng sa autoritarianismo (authoritarianism)
kaysa sa demokrasya. Ang mga nauna o mga primerong ministro ng Singapore ay
sina Lee Kuan Yew, Goh Chok Tong, at Lee Hsien Loong.
(Maaaring makatulong ang link na may kaugnayan. Tingnan ito: Anu-ano ang 8 mga uri ng pamahalaan? - https://brainly.ph/question/1063490)
Ang pangunahing tungkulin ng isang parlamentong gobyerno ay ang mga
pagkokontrol sa pananalapi ng bansa, pagsasabatas, at pagtitiyak ng
kapanagutang pang-ministry. Sa pamamaraang parlamentaryo na kilala rin bilang
parlamentarismo ay makikilala sa pamamagitan ng executive body o ng ehekutibong
sangay ng gobyerno o pamahalaan na nakadepende sa tuwiran o hindi tuwirang
suporta.
Ang isang parlamentaryong gobyerno ay mas hindi stable lalo’t kung may
kani-kaniyang sariling interest at agenda ang mga pulitiko. Nagiging mas
makapangyarihan ang mga ganid sa kapangyarhan at mas sumisidhi ang korapsyon sa
isang bansa. Ang kawalan o kahinaan ng separation of powers ay hindi rin
nagiging magandang sistema sa bansa. Wala rin itong check and balance lalo’t
kung ang mga magkakasama sa parlamento ay nagkakaisa sa kanikanilang mga
agenda.
Walang tuwirang paghihiwalay ng kapangyarihan sa pagitan ng mga tagapagpaganap
at tagapagbatas o tinatawag na lehislatibong sangay na naghahatid sa magkaibang
pagtatakda sa paraan ng pagsusuri sa pagpapatakbo ng pamahalaan. Ang mga
sistemang parlamentaryo ay may batayan ng pagkakaiba sa pagitan ng ‘pinuno ng
estado’ at ‘pinuno ng pamahalaan’. Ang pinuno ng pamahalaan o pangulo ay tinatawag
na punong ministro o Prime Minister. Samantalang ang pinuno ng estado ay
kadalasang ang hinahalal ng mga mamamayan o ng parlamento.
************************
Ang opisyal na pangalan ng bansang Singapore ay
Republika ng Singapore. Isang pulo na lungsod-estado na siyang matatagpuan sa
Timog Silangang Asya. Parte ito ng ASEAN. Makikita ang pulo sa timog ng Johor sa
tangway ng Malaysia at sa hilaga ng pulong Riau ng Indonesia.
(Narito ang isang link na maaaring may kaugnayan sa iyong tanong: Bakit tinawag Singapore ang bansang ito -
https://brainly.ph/question/587901)
Nakamit lamang ng Singapore ang kasarinlan mula sa Kanluraning bansang Britanya
nang nakiisa ito sa Malaysia noong taong 1963 kaya di-naglaon ito'y naging
isang ganap na malayang republikang bansa noong 1965. Pinangalanan at
tinaguriang Parlamento ng Singapore ang bansa ng Kapulungang Tagapagbatas nito.
Ang Parlamento ng Republika ng Singapore isang unicameral na parlamento at ito
ay binubuo ng mga hinahalal at hinihirang na mga Miyembro ng Parlamento, mga
Non-constituency na Miyembro ng Parlamento at ng mga Nominadong Miyembro ng
Parlamento.
******************************
Kung pag-uusapan ang relihiyon ng
Singapore at ang kaugnayan nito sa pamahalaang Singapore:
Ang kalayaan ng pananampalataya o sa Ingles ay “freedom of religion” sa
Singapore ay pinapangako sa ilalim ng kanilang Saligang Batas ngunit ang mismong
Pamahalaan ng Singapore may kahigpitan sa mga Saksi ni Jehova at ipinagbabawal
ang Simbahang Pagkakaisa o ‘yung tinatawag na Unification Church. Ang
Pamahalaan ng Singapore ay kilala sa pagiging hindi tiisin o hindi
nagto-tolerate ng mga salita at mga gawi na sa tingin nila ay maaaring makaapekto,
may masidhing pagkakahati-hati, at mawala ang kaisahan ng mga pangkat na
panlahi o pampananampalataya. Ang Saligang Batas sa Singapore ay nagtatalaga na
karapatan ng bawat mamamayan o tao na magkaroon ng isang bansang may iisang
paglalakbay para sa ikalulusog ng katawan at ng mga sibil na karapatan. Ang mga
aktibidad ng relihiyon na nakaaapekto sa estado ay ipinagbabawal lalo’t lumalabag
sa mga batas na may kaugnayan sa mga pampublikong kaayusan o public order,
pampublikong kalusugan, at moralidad. Pinagtitibay nila na dapat walang
relihiyon ang kanilang estado.
******************************
Narito ang iba pang mga link na maaaring makatulong sa’yo:
Ano ang panitikan ng Singapore? - https://brainly.ph/question/118578
Ano ang tradisyon ng Singapore? - https://brainly.ph/question/332451
Ano ang kasaysayan ng Singapore? - https://brainly.ph/question/555279
Ang iyong kontribusyon ay napakahalaga sa amin. Magpatuloy sa pagtatanong at pagbibigay ng mga sagot. Sama-sama tayong magtatagumpay sa ating layunin. Ang IDNStudy.com ay laging nandito upang tumulong sa iyo. Bumalik ka palagi para sa mga sagot sa iyong mga katanungan.