Ang Parabula ay nangangahulugan ng mga kwento at kasaysayan na mababasa natin sa aklat na Bibliya. Walang makahihigit o makapapantay man sa Bibliya. Isinulat ito ng magkakaibang mga panahon. At napakatagal ng mga pagitan nito. Isinulat ito ng 40 na piniling mga lalaki at binubuo ng 66 maliliit na aklat. Makikita natin mula Genesis hanggang Apocalipsis na lahat ng kasulatan at ideya ay magkakasuwato, nagsusuportahan, at hindi nagkokontrahan. Naging matagumpay ang lahat ng ideya nito kahit hindi nagkausap usap ang 40 na mga lalaki. Apat na Elemento o Bahagi ng Kwentong Parabula: 1) Tauhan - ito ang anumang tao o karakter na gumaganap sa istorya o kwento. 2) Tagpuan - tumutukoy sa oras, panahon, at lugar na pinagdausan ng kwento at istorya. Maaari itong maging dalawa o higit pa. 3) Banghay - ang kabuoang pangyayari na naganap sa kwento. 4) Aral - mga mahalagang matututunan pagkatapos mabasa ang kwento