Tuklasin kung paano ka matutulungan ng IDNStudy.com na makuha ang mga sagot na kailangan mo. Sumali sa aming platform ng tanong at sagot upang makakuha ng eksaktong tugon sa lahat ng iyong mahahalagang tanong.
Sagot :
Answer:
Mga Dahilan kung Bakit Kailangang Pag-aralan at Pahalagahan ang Karunungang Bayan
- Ang karunungang bayan ay isang sangay ng panitikan kung saan ito ay nagiging daan upang maipahayag at maipabatid ang mga ideya at kaisipan na nabibilang sa bawat kultura at tradisyon ng mga tao.
- Ang karunungang bayan ay nakakatulong sa pag-angkin ng kamalayang tradisyunal na nagpapatibay ng pagpapahalagang kultural.
- Ang karunungang bayan ay sumasalamin sa magagandang kaugalian ng iba't ibang tribo at lahi.
- Naipapabatid ang sariling kahusayan, mga kapintasan at kahinaan upag maging daan sa pagpapabuti at pagpapaunlad ng kakayahan ng isang tao gayundin, natutuklasan ang sariling talino at kasanayan.
- Ang karunungang bayan na isang bahagi ng panitikan ay nagpapabatid at nagpapakita ng pagiging isang tunay na Pilipino na marunong magmahal sa sariling kultura at magmalasakit sa sariling panitikan.
Halimbawa ng Karunungang Bayan (Folk Speech)
- Sawikain
- Salawikain
- Bugtong
- Palaisipan
- Bulong
- Kasabihan
- Kawikaan
- Sawikain
Ang sawikain o idyoma ay isang pagpapahayag na ang kahulugan ay hindi komposisyunal — sa ibang salita, hindi binubuo ng tumpak na kahulugan ang mga kanya-kanyang salita na nabuo. Ito ay di-tuwirang pagbibigay kahulugan at pagpapakita ng kaisipan at kaugalian ng isang lugar.
- Salawikain
Ang salawikain ay mga kasabihan o kawikaan na nagbibigay ng magagandang aral at gabay sa pamumuhay, sa asal, at sa pakikipagkapwa. Ito ay isang tuntunin o kautusang kinilala at pinatibay ng karanasan. Ito ay nag-uugnay lalong-lalo na sa mga bagay at kapakanang maaaring mangyari o may kahalagahan sa buhay, karaniwang sambitin ito ngayon na pwede nating gamitin sa totoong buhay.
Halimbawa ng Salawikain: brainly.ph/question/655595
- Bugtong
Ang bugtong ay pahulaan sa pamamagitan ng paglalarawan. Binubuo ito ng isa o dalawang taludtod na maikli at may sukat at tugma. Ang bugtong ay isa sa mga usong libangan ng mga bata noon hanggang ngayon. Ito ay mga pangungusap na palaisipan at may nakatagong kahulugan. Ang paglalaro nito ay patalasan ng isip at iinuturo rin ang mga ito sa klase.
Mga Katotohanan Tungkol sa Bugtong: brainly.ph/question/1121716
- Palaisipan
Ang palaisipan ay gumigising sa isipan ng tao upang bumuo ng isang kalutasan sa isang suliranin. Ito ay kilala rin bilang bugtong, pahulaan, o patuturan, ito ay isang tanong o pangungusap na may iba o nakatagong kahulugan na kailangang lutasin o hulaan. Ito rin ay payak at simple na umaasa lamang sa patudyong gamit ng tanong at sagot.
Halimbawa ng Palaisipan: brainly.ph/question/258458, brainly.ph/question/496008
- Bulong
Ang halimbawa nito’y ang sinasabi kapag may nadadaanang punso sa lalawigan na pinaniniwalaang siyang tinitirhan ng mga duwende o nuno.
- Kasabihan
Ang kasabihan ay mgaay bukambibig ng mga bata at matatanda na kung tawagin sa Ingles ay Mother Goose o Nursery Rhymes. Ito ay mga tulang pambata o tugmang walang diwa o mababaw ang isinasaad na kahulugan. Ito rin ay tumutukoy sa mga pangungusap na madalas nagpapakita ng magandang aral para sa mga tao.
- Kawikaan
Ang kawikaan ay kauri ng salawikain na ang kaibahan lamang ay laging nagtataglay ng aral sa buhay.
Para sa Karagdagang Kaalaman ukol sa pagkakaiba ng Salawikain, Sawikain at Kasabihan: brainly.ph/question/312596
#LetsStudy
Pinahahalagahan namin ang bawat ambag mo. Patuloy na magbahagi ng impormasyon at karanasan. Sama-sama tayong magtutulungan upang makamit ang ating mga layunin. Ang IDNStudy.com ay laging nandito upang tumulong sa iyo. Bumalik ka palagi para sa mga sagot sa iyong mga katanungan.