Para sa akin, kung ang nanay ang ilaw at ang mga tatay ay ang atip, ang mga kapatid ay ang mga poste o pader sa isang bahay. Sinusuportahan nila ang kanilang mga magulang at nasa ilalim sila ng atip para sila ay maalagaan para maging mabuting mga bata. Kung hindi magtutulungan ang mga kapatid, masisira ang matibay na pader na binuo nila, pati na rin ang buong pamilya. Dapat silang maging matatag.