Ang kahinaan ni Psyche ay ang pagiging mausisa, maurirat at mapagpaniwala nito sa mga bagay na walang basehan o malinaw na ipinagbabawal na siyang nagdulot nito palagi sa kapahamakan samantalang kalakasan naman nito ang madaling pagtanggap o pag-amin ng pagkakamali at paggawa ng mga bagay para mabawi ang pagkakamaling nagawa nito.
Ang kahinaan naman ni Cupid ay ang hindi buong pagtitiwala nito kay Psyche noong ilihim niya ang tunay na pagkatao sa asawa samantalang kalakasan naman nito ang pagiging mapagmahal at mapagpatawad sa asawa.