Ang pagligid sa araw ay nangangahulugan ng pag-ikot ng mundo sa araw o tinatawag na ang rebolusyon ng daigdig sa araw.Nang dahil sa pagligid ng mga daigdig sa araw ay nagkakaroon tayo ng iba't ibang uri ng panahon na siyang nagpapayabong sa ating agrikultura. Sa Pilipinas ay makakaranas tayo ng dalawang panahon, tag-init at tag-ulan samantalang apat na panahon naman sa ibang lugar. Ito ay nakabubuti sa buhay ng tao lalo na sa mga magsasaka at mangangalakal.