IDNStudy.com, ang komunidad ng pagbabahagi ng kaalaman. Hanapin ang mga solusyong kailangan mo nang mabilis at madali sa tulong ng aming mga eksperto.

BAKIT MAHALAGANG MAUNAWAAN NATIN ANG ATIN HEOGRAPIYA

Sagot :

Answer:

Mahalaga na pag-aralan ang heograpiya. Ito ay magdadagdag sa atin ng kaalaman para mas maunawan natin ang ating daigdig at kapaligiran. Dagdag pa rito, mahalang mapag-aralan ang heograpiya dahil tayo ay mamamayan ng daigdig. Sa artikulong ito, ating aalamin kung ano ang ibig sabihin ng salitang ito at bibigyan pa natin ito ng mas malawak pang kahulugan.

Explanation:

Para sa kahulugan ng heograpiya, basahin: https://brainly.ph/question/123937  

Kahalagahan ng pag-aaral ng heograpiya:

Kahalagahan sa pisikal na mundo.

Mauunawaan natin kung paano nakakaapekto ang pisikal na katangian ng mundo sa ating pang-araw-araw na pamumuhay. Halimbawa ay ang pagtukoy sa ugat ng mga penomenang nangyayari sa mundo tulad ng Global Warming at Climate Change. Dahil dito, mas mapapadali ang paghanap ng solusyon at paraan upang masugpo at mabawasan ang epekto nito. Kahalagahan sa kasaysayan

Nagkakaroon tayo ng kaalaman tungkol sa koneksyon ng heograpiya sa ating kasaysayan at kung paano naapektuhan ng mga nakaraang pangyayari ang ating kasalukuyan.

Kahalagahan sa kultura

Mahalagang pag-aralan ang heograpiya upang mas malalim na mapag-aralan ang kultura ng iba’t-ibang lugar. Sa pamamagitan ng pag-aaral dito, ating mauunawaan kung paano naiimpluwensyahan ng klima at lokasyon ang kaugalian ng ibang tao. Makatatulong din ito upang matanggap natin ang ating pagkakaiba sa iba pang lahi at kultura. Mamumulat ang ating mga mata na ang malaki ang ambag ng heograpiya sa pagtukoy ng kabuhayan at kultura ng mamamayan.  

Kahalagahan sa modernisasyon

Namumulat tayo sa pagkakaiba ng mga teknolohiyang umuusbong sa daigdig. Maiintindihan din natin kung paano nakaapekto ang pag-usbong ng modernong teknolohiya sa Globalisasyon na nagdulot upang maging mas konektado pa ang mga lugar dito sa mundo.

Kahalagahan sa kamalayan

Nabibigyan tayo ng mas malawak na pananaw at kaalaman sa kasaysayan tungkol sa kinagisnan nating lipunan. Maaring mas makilala pa natin ang ating sarili bilang isang parte ng lipunan sa pamamagitan ng pag-aaral sa relihiyon, kultura, ekonomiya at politika na nakapaloob sa heograpiya.

Sa pagkakaroon ng malawak na kaalaman sa paksang ito, magkakaroon pa tayo ng mas malalim na pagpapahalaga sa ating daigdig bilang ating tahanan at pinagkukunan ng likas na yaman.

Para sa mas malalim na kaalaman sa heograpiya, magtungo sa mga sumusunod na link:

Tema ng heograpiya- https://brainly.ph/question/12075

Sangay ng heograpiya- https://brainly.ph/question/1481466