Ang pamilya ay ang pundasyon ng lipunan.
Kasama ang pamilya sa mga elementong bumubuo ng Istrukturang Panlipunan, ang ayos ng mga institusyon at interaksyon ng mga tao na namumuhay sa lipunan. Dito nabubuo ang mga konsepto ng pagbabago na siyang humuhulma sa lipunan.
Mahalaga rin ang pamilya dahil isa ito sa mga pangangailangan ng tao.
Ayon sa Teorya ng Pangangailangan ni Maslow: Hirarkiya ng mga Pangangailangan, matapos matugunan ang sikolohikal na pangangailangan ng tao, sunod niyang kakailanganin ang seguridad o safety needs.
Ang seguridad ay nauukol sa mga pangangailangan para sa kaligtasan at katiyakan sa buhay.
Kabilang dito ang katiyakan sa seguridad sa pamilya, hanapbuhay, pinagkukunang yaman, kaligtasan mula sa karahasan, katiyakang moral, at physiological, at seguridad sa kalusugan.