Ang
Panitikang Mediterranean ay ang tinaguriang pinagmulan ng panitikan ng buong
mundo mula sa mitolohiya, epiko, maikling kwento, pabula, parabula, tula,
nobela at iba pa. Ang taga-Mediterranean ang nakatuklas ng sistematikong
pagsusulat mula sa simbolong larawan, hanggang sa maging simpleng
komunikasyon at kalaunan ay naging likhang sining at panitikan. Sila ang
pinaniniwalaang nagpabago at humubog sa panitikan ng buong mundo.