Lalong nalinang ng mga Pilipino ang pagkamalikhain at pagkamahusay sa pagsulat na siyang pamana ng panitikan ng mga sinuanang mediterranean. Dahil sa pagbabago at pag-unlad ng panitikan ng Pilipinas, ito'y nagdala ng ilang pagbabago sa kultura't paniniwala ng mga Pilipino. Higit na naintindihan ng mga pilipino ang kulturang hawak nito na ipinamana ng kanilang mga ninuno. Lalong napaunlad ang sining ng pagsulat na naging susi ng pagbukas ng ibang larangan ng panitikan. Lubusan namang napagtibay ng mga pilipino ang kanilang mga paniniwala sapagkat mas nauunawan nila at nakikita nila ng malinaw ang mga mitihiin ng mga sinaunang pilipino lalo na ng mga bayani.