Ang pag-aaral ng panitikan ay napakahalaga. Sa
pamamagitan nito ay malalaman natin kung
paano nag-ugat at namuhay ang ating mga ninuno. Ito ay nagsisilbing tulay upang mabatid natin ang
kaugnayan ng kasalukuyan sa nakaraan at lubusang maintindihan ang mga kultura at tradisyon na ipinasa ng ating mga ninuno.
Tulad ng bansang Laos, mayaman ito sa tradisyong pampanitikan na patuloy nagbago sa paglipas ng libu-libong taon. Ilan sa mga mahusay na panitikan nito ay ang epikong Thao Hung Thao Cheuang na itinuturing ng mga kritiko at manalaysay bilang isa sa mga pinaka-importanteng panitikan ng Laos para sa pansining, kasaysayan, at kultura kadahilanan. Ang epikong ito ay nagpapakita ng ilang mga impormasyon ng bansa tungkol sa tunggalian sa pagitan ng Khmu at mga katutubong mamamayan ng Laos at ang Tai-Lao.