Naging kaugalian na ng mga taga-Mediterranean ang pagiging malikhain at magaling sa pag-imbento ng mga bagay tulad ng cuneiform na naging parte na ng kasaysayan magpahanggang ngayon. Hindi rin maikakaila na naging parte na ng kultura nila ang pagsamba sa iisang Diyos na kung tawagin ay monotheism subalit may iba din sa kanila na mas pinili ang ibang pananampalataya. Isa na rito ay ang mga tauhan sa ilalim ng pamumuno ng Imperyong Persian na kung saan mas pinalaganap ang Zoroastrianism.