Makakuha ng mga payo ng eksperto at detalyadong mga sagot sa IDNStudy.com. Alamin ang mga detalyadong sagot sa iyong mga tanong mula sa aming malawak na kaalaman sa mga eksperto.

Ano ang mga salitang ginagamit sa pag hahambing

Sagot :

Ang paghahambing ay naghahambing o nagtutulad ng dalawang pangngalan o panghalip.

a. Pahambing na Pasahol Palamang - nagsasaad ng nakahihigit o nakalalamang na katangian ng isa sa dalawang pangngalan o panghalip na pinaghahambing. Gumagamit ito ng mga katagang higit, mas, lalong, di gaano, di gasinoat iba pa.

Halimbawa:

Mas mabuti ang pagbabasa ng aklat kaysa pagbababad sa harap ng internet.

b. Pahambing na Patulad - nagsasaad ng magkatulad o magkapantay na katangian ng dalawang pangngalan o panghalip na pinaghahambing. Gumagamit ito ng mga panlaping tulad ng sing/sin/sim, magsing, kasing o ng mga salitang kapwa, pareho.

Halimbawa:

Ang pagputol ng mga puno at paggamit ng mga kemikal ay parehas na masama dahil sinisira nito ang ating kapaligiran.

--

:)