IDNStudy.com, kung saan ang iyong mga tanong ay may malinaw na sagot. Makakuha ng impormasyon mula sa aming mga eksperto, na nagbibigay ng maaasahang sagot sa lahat ng iyong mga tanong.

Ano ang PAHMBING NA MAGKATULAD at DI-MAGKATULAD?

Sagot :

1.) Masasabing pahambing na magkatulad ang ginamit pag ang hinahambing ay nasa parehong lebel o magkatulad ang antas. Gumagamit ito ng tulad, pareho, sing, magkasing, kasing at iba pa.
Hal. Magkasingsarap ang tinapay at saging.

2.) Masasabing pahambing na di-magkatulad ang ginamit pag ang hinahambing ay magkaiba ang lebel o antas. May 2 uri ito:

a.) Pasahol
            - pag ang hinahambing ay mas maliit pa ang antas. Gumagamit ng di-gaano, di-gasino, lalo, at iba pa.
Hal. Di-gaanong madali ang Filipino kaysa ESP.

b.) Palamang
             - pag ang hinahambing ay mas mataas pa ang lebel. Gumagamit ng higit pa, mas, at iba pa.
Hal. Mas gusto ko ang Math kaysa Mapeh.