Ang Araling Panlipunan ay isang sistematikong pag-aaral tungkol sa mga tao at at lipunan, paraan ng pamumuhay, interaksyon at partisipasyon sa kaganapan sa kapaligiran, mga paniniwala, tradisyon at kultura at maging ang kasaysayan ng lahat ng bagay na may kinalaman sa tao at sa lipunang kinagisnan. Ang araling panlipunan ay naglalayong mahubog ang bawat mamamayan na may pagpapahalaga sa kasaysayan, sa kapwa tao at maging sa kapaligiran.