Makahanap ng eksaktong solusyon sa iyong mga problema sa IDNStudy.com. Tuklasin ang mga maaasahang impormasyon sa anumang paksa sa pamamagitan ng aming network ng bihasang mga propesyonal.

ano ano ang mga karunungang bayan mag bigay ng halimbawa
bawat isa.....


Sagot :

Ang karunungang bayan ay isa sa mga sinaunang panitikan ng Pilipinas na tumutukoy sa mga aral na nagmula sa pang-araw araw na pamumuhay ng ating mga ninuno na nagsisilbing batayan at gabay hanggang ngayon.
Ang mga sawikain, salawikain at kasabihan ay mga uri ng karunungang-bayan. Isang tanyag na halimbawa ng salawikain ay ang "Puri sa harap, sa likod ay paglibak", at "kaibigan kung meron, kung wala'y sitsaron".  samantalang ang mga halimbawa ng sawikain ay " alilang kanin, balitang kutsero, at buwaya sa katihan. Ang mga halimbawa naman ng kasabihan ay "ang hindi marunong lumingon sa pinanggalingan ay hindi makakarating sa paroroonan".