IDNStudy.com, ang iyong mapagkukunan para sa malinaw at mabilis na mga sagot. Makakuha ng impormasyon mula sa aming mga eksperto, na nagbibigay ng detalyadong sagot sa lahat ng iyong mga tanong.

ang malaking masa ng lupain sa mundo

Sagot :

Kontinente

       Ang kontinente ay ang malaking masa ng lupain sa mundo. Ang katangian ng kontinente ay iba iba ayon sa lokasyon at lawak ng nasasakupan nito sa mundo.

Iba't Ibang Kontinente sa Mundo:

  • Hilagang Amerika - ang kontinenteng hugis tatlusok na napapaligiran ng mga kabundukan ng Applachian sa silangan at Rocky Mountains sa kanluran. Ito ang ikatlo sa may pinakamalawak na sakop na kontinente sa mundo. Ang ilan sa mga bansang kabilang sa kontinenteng ito ay ang Canada, Mexico, Panama, at Dominican Republic. Ang mga taong nakatira sa mga naturang bansa ay karaniwang tinatawag na mga Amerikano.
  • Timog Amerika - ang kontinenteng kinabibiliangan ng mga bansang Argentina, Ecuador, Columbia, at Venezuela na matatagpuan sa pagitan ng Dagat Pasipiko at Atlantiko. Sapagkat mas maliit ito kumpara sa hilagang Amerika, ito ay ikaapat lamang ayon sa lawak ng nasasakupan. Bilang bahagi ng Amerika, ang mga taong naninirahan dito ay tinatawag ding mga Amerikano.
  • Antartika - ang pinaka malamig na kontinente sa mundo na makikita sa dulong bahagi nito. Ilan sa mga bansang kabilang dito ay ang Argentina, France, Chile, at United Kingdom. Ito ang ikalima sa mga kontinenteng may malawak na nasasakupan. Dahil sa malamig na klima, ang kulay ng mga balat ng mga naninirahan dito ay maputi at mala porselana.
  • Aprika - ang ikalawa sa mga kontinente na may pinakamalawak na nasasakupan. Taliwas sa kontinenteng Antartika, ang Aprika naman ay karaniwang binubuo ng mga disyerto. Aprikano ang tawag sa mga taong naninirahan dito. Ang ilan sa mga bansang bahagi ng kontinenteng ito ay Ethiopia, Mauritius, Zimbabwe, at Egypt.
  • Asya - ang pinakamalaking kontinente sa lahat na kinabibilangan ng Pilipinas, Tsina, Indonesia, at Hapon. Ang kontinenteng ito ay karaniwang bulubundukin, patag, at may mga ilog at lawa na tulad ng matatagpuan sa Pilipinas.
  • Awstralya - ang kontinenteng ito ay tinatawag ding bansang kontinente na matatagpuan sa rehiyon ng Oceania. Ito ang ikahuli sa lahat ng mga kontinente sa mundo ayon sa lawak ng nasasakupan. Ang ilan sa mga bansang kabilang sa kontinenteng ito ay ang Australia, Fiji, New Zealand, at Samoa.
  • Europa - ang kontinenteng may katamtaman hanggang malamig na klima dulot ng Mediterranean. Ang ilan sa mga bansang kabilang dito ay ang Portugal, Sweden, Monaco, at Netherlands. Ang sumunod sa may pinakamaliit na lawak ng nasasakupan.

Upang higit na matuto ukol sa mga kontinente ng daigdig, basahin ang mga sumusunod na link:

https://brainly.ph/question/173714

https://brainly.ph/question/126294

https://brainly.ph/question/133486