Sa panahon ng mahabang kasaysayan ng galaw ng mga tao sa Australya at New Guinea, ang anumang pakikipag-ugnayan sa pagitan ng mga tao at ang kanilang kapaligiran ay nilalaro laban sa pagbabago sociocultural at kontekstong pangkapaligiran.
Ang pagpapalaki ng mga baka, paghimok at pagtatag ng mga kilusan upang maprotektahan ang kapaligiran at ang National Parks sa bansa, "offshore commercial fishing", at pagputol ng mga puno para sa pael at kahoy ay ilan lamang sa mga interaksyon ng tao sa kanyang kapaligiran sa bansang Australia.
Sa kabilang dako naman, ang bansang Hongkong ay halos apektado ng resulta ng pagbabago sa klima. Ang polusyon sa hangin,tubig at thermal ay naging banta sa pagkasira ng buhay ng mga halaman at hayop sa bansa. Katulad ng ibang bansa, ang Hongkong ay nagdusa din sa pagkasira ng mga tahanan ng mga halamang gubat at ng mga hayop lalo na sa ilegal na pangingisda ng ilang karatig bansa tulad ng Tsina. Dahil dito, nag-organisa ang mga tao sa Hongkong ng mga kilusan upang matugunan at mailigtas sa matinding kapahamakan ang mga halama't hayop sa bansa.