IDNStudy.com, ang perpektong platform para sa mabilis at eksaktong mga sagot. Makakuha ng mga kumpletong sagot sa lahat ng iyong mga tanong mula sa aming network ng mga eksperto.

ano ang kahulugan katuturan at limang tema ng heograpiya?


Sagot :

Malaki ang katuturan at kahulugan ng limang tema ng heograpiya gaya ng lugar, rehiyon, lokasyon, paggalaw at interaksyon ng tao sa kapaligiran sapagkat sila ang direktang naaapektuhan kapag isa sa kanila ay lumihis sa natural nitong anyo o layunin. Ang lokasyon ay tumutukoy sa kinalalagyan o kinaroroonan ng iba't ibang lugar sa daigdig samantalang ang lugar naman ay ang mga natatanging katangian na matatagpuan sa isang lugar. Ang pagkakabuklud-buklod ng magkaparehong kultural at katangiang pisikal ng isang lugar ay pinangalanang rehiyon habang ang paggalaw ay tumutukoy sa pagkilos o paglipat ng mga tao sa naunang lugar na tinirhan patungo sa  ibang  lugar. Samantalang, ang interaksyon ng tao sa kanyang kapaligiran ay ang relasyon o ang pakikipag-ugnayan ng tao sa lugar na kanyang kinaroroonan  at siyang pinagkukunan nito ng pangangailangan.