IDNStudy.com, ang iyong pangunahing mapagkukunan para sa mga sagot ng eksperto. Ang aming komunidad ay handang magbigay ng malalim at maaasahang mga sagot, anuman ang kahirapan ng iyong mga katanungan.

ano ang dalawang uri ng paghahambing?

Sagot :

paghahambing na magkatulad at paghahambing na magkatulad

Pahambing - naghahambing o nagtutulad ng dalwang pangngalan o panghalip.
 
DALAWANG URI NG PAHAMBING
a. Pahambing na Pasahol o Palamang - nagsasaad ng nakahihigit o nakalalamang na katangian ng isa sa dalawang pangngalan o panghalip na pinaghahambing. Gumagamit ito ng mga katagang higit, mas, lalong, labis, di gaano, di gasino, at iba pa.
 
Halimbawa:
 
· Mas masarap ang luto ni Nanay kaysa kay aling Beba.
· Higit na nalungkot si Sam sa pagkawala nila ng aso kaysa kay Ivy.
 
b. Pahambing na Patulad - nagsasaad ng magkatulad o magkapantay na katangian ng dalawang pangngalan o paghalip na pinaghahambing.
 
Halimbawa:
 
· Kasingtangkad ko si ate Bernice.
· Ang nabili ko at ang nabili ni Lulu ay magsindami.

:)