Sumali sa IDNStudy.com at makuha ang mga sagot ng eksperto. Magtanong at makakuha ng detalyadong sagot mula sa aming komunidad ng mga eksperto.

Mahahalagang pangyayari sa mga sinaunang pamumuhay ng mga asyano

Sagot :

Mga mahahalagang pangyayari sa sinaunang panahon sa Kanlurang Asya:

1. Imperyo: Sumeraian (3500 BCE)

Nabuo ang unang sistema ng panulat na tinatawag na Cuneiform. Ginagamitan ito ng 600 pananda sa pagbuo ng mga salita o ideya. Nagawa din nila ang unang karuwahe at natuklasan ang gulong. At organisadong puwersa ng pagpapatayo ng dike.

2. Imperyo: Akkadian (Circa 2700-2230 BCE)

Si Haring Sargon, isang mananalakay buhat sa Akkad ay nagtatag sa lungsod-estado para makaisa ang mamamayan. Pinalawak niya ang teritoryo ng Akkad bilang pinuno sa pamamagitan nang pananakop sa mga digmaan. Pinaunlad ang sistema ng pagsusulat at maraming literatura ang nasalin at umusbong sa imperyong ito.

3. Imperyo: Babylonian (Circa 1790-1595 BCE)

Si Hammurabi ang ika-anim na haring Amorite ay pinalawak ang kaniyang kaharian na umabot sa Gulpo ng Persian. Ang Code of Hammurabi ay isa sa pinakamahalagang ambag sa sinaunang kabihasnan. Ang kodigong ito ay binubuo ng 282 Babylonia. Sakop ng kodigong ito ang karapatang mamamayan at ari-arian nito.