Makakuha ng mga sagot mula sa komunidad at mga eksperto sa IDNStudy.com. Makakuha ng hakbang-hakbang na mga gabay para sa lahat ng iyong teknikal na tanong mula sa mga miyembro ng aming komunidad na may kaalaman.

______1. Napansin mo na hindi nilinisan ng iyong kaklase ang palikuran ng inyong silid-aralan, pagkatapos nitong gamitin. Ano ang iyong gagawin?
a. Hayaan ko na lamang siya sa kaniyang ginagawa.
b. Sisigawan at pagagalitan ko siya upang matuto siya.
c. Sasabihin ko sa kaniya na dapat iingatan at nililinisan natin ang palikuran ng
silid-aralan.
d. Sasabihin ko ang nanay niya na paluin siya.
______2. Nakita mo na ang pinsan mo ay hindi pumipila nang maayos sa tuwing bibili sa kantina. Ano ang ituturo mo sa kaniya?
a. Itulak mo ang nakapila.
b. Uunahan mo ang ibang nakapila sa kantina.
c. Dapat pumila ka nang maayos sa tuwing bibili ka sa kantina.
d. Huwag kang magpapahuli sa pilahan.
______3. Itinatapon ng iyong nakababatang kapatid ang basurang kanyang pinagkakainan sa parke habang namamasyal. Ano ang gagawin mo?
a. Hindi mo papansinin ang kanyang ginawa.
b. Sasabihin sa kanya na itatapon sa tamang lalagyan ang mga basura upang manatiling malinis ang kapaligiran.
c. Pagagalitan ko siya at iiwan sa parke.
d. Isusumbong ko ang aking nakababatang kapatid sa aming Nanay upang papaluin siya.
______4. Tinitiyak mong malinis ang gymnasium matapos mo itong gamitin sa pagpraktis at paglalaro. Napansin mo ang isang batang lalaki na dinudumihan ito. Ano ang iyong gagawin?
a. Lalapitan siya at papaluin.
b. Sisigawan ang batang lalaki.
c. Sasabihan na ipahuhuli ito sa pulis.
d. Lalapitan ito at pagsabihan na huwag dudumihan ang gymnasium at panatilihing malinis ang pasilidad.
______5. Isa sa mga kaklase mo ay sinisira ang mga pahina ng aklat sa silid aralan. Ano ang iyong maipapayo?
a. Kailangang maingat mong binubuklat ang mga pahina sa aklat.
b. Hayaan mo na lang mapupunit ang aklat dahil hindi naman sa atin iyan.
c. Itatapon mo ang pahina ng aklat kapag napupunit.
d. Babayaran mo ang aklat na napunit ang pahina


help