IDNStudy.com, kung saan ang iyong mga tanong ay may malinaw at konkritong sagot. Sumali sa aming platform ng tanong at sagot upang makakuha ng eksaktong tugon sa lahat ng iyong mahahalagang tanong.

anu ano ang mga karunungang bayan?


Sagot :

Ang mga unang tula ng mga Pilipino ay mga karunungang-bayan na binubuo ng mga sumusunod: Salawikain – Ito ay mga butil ng karunungang hango sa karanasan ng matatanda, nagbibigay ng mabubuting payo tungkol sa kagandahang-asal at mga paalala tungkol sa batas ng mga kaugalian at karaniwang patalinhaga. Bugtong – Inilalarawan ang bagay na pinahuhulaan, ito ay nangangailangan ng mabisang pag-iisip. Palaisipan – Ito ay nakapupukaw at nakahahasa ng isipan ng tao, katulad ng bugtong, ito ay nangangailangan ng talas ng isip. Kasabihan o kawikaan – Ang mga salawikain, kawikaan, at kasabihan ay mga maiiksing pangungusap na lubhang makahulugan at naglalayong magbigay patnubay sa ating pangaraw-araw na pamumuhay. Pinalalaganap ng mga nakatatanda ang mga salawikain, kawikaan, at kasabihan upang imulat at turuan ang mga nakakabata ukol sa angkop na pagkilos, tamang pag-uugali, mabuting pakikitungo sa kapwa, at sa tahimik at masayang pamumuhay.