IDNStudy.com, ang iyong mapagkukunan ng mabilis at eksaktong mga sagot. Magtanong ng anumang bagay at makatanggap ng agarang tugon mula sa aming dedikadong komunidad ng mga eksperto.

Pananagutan
Walang sinuman ang nabubuhay, para sa sarili lamang
Walang sinuman and namamatay, para sa sarili lamang
Tayong lahat ay may pananagutan sa isa't isa
Tayong lahat ay tinipon ng Diyos Na kapiling nya.
1. Mula sa liriko ng awiting "Pananagutan", ano ang mensahe ang nais nitong iparating sa atin?____________________
2. Bakit mahalaga na tumupad sa pangako o kasunduan?____________________
3. Naranasan mo na bang hindi natupad ang pangako o kasunduang binitiwan ng iyong kapwa sa iyo? Ano
ang ginawa mo hinggil dito?________________
4. Naniniwala ka ba na sa bawat pangakong ating binibitiwan ay
pananagutan para sa iyo?________________
5. Ano ano ang mga hakbang na dapat gawin upang makatupad sa iyong mga pangako?_________________​


PananagutanWalang Sinuman Ang Nabubuhay Para Sa Sarili LamangWalang Sinuman And Namamatay Para Sa Sarili LamangTayong Lahat Ay May Pananagutan Sa Isat IsaTayong class=

Sagot :

Answer:

1. Nais nitong iparating sa atin na hindi natin kayang mabuhay nang tayo lamang. Lahat ay nangangailangan ng tulong mula sa iba.

2. Mahalaga ito dahil tanda ito ng pagiging mapagkakatiwalaan sa mga oras ng pangangailangan.

3. Oo. Inintindi ko na lamang ang sitwasyon ngunit hindi ko na muli pang pinagkatiwalaan ang taong iyon.

4. Oo. Ang mga pangako ay hindi lamang mga salita. Hindi mo ito dapat bitiwan kung hindi ka responsableng lubos upang tuparin ang mga ito.

5. Huwag kang magbitaw ng pangako dahil lamang sa iyong emosyon. Kailangan mo itong pag-isipan nang mabuti upang sa oras na masabi mo, sigurado kang matutupad mo ito at hindi ka makapananakit ng ibang tao.

Explanation: