IDNStudy.com, ang iyong destinasyon para sa mga maaasahang sagot. Ang aming komunidad ay nagbibigay ng eksaktong sagot upang matulungan kang maunawaan at malutas ang anumang problema.
Explanation:
Katulad ng ibang sinaunang pamayanan, ang mga Sumerian ay sumasamba sa maraming mga diyos. Tinatawag na “polytheismo” ang pagsamba sa maraming mga diyos. Naniniwala ang mga Sumerian na ang pwersa ng kalikasan gaya ng hangin, ulan at iba pa ay nabubuhay. Dahil hindi nila makontrol ang mga nasabing pwersa, kanila itong itinuring na mga diyos. Sa pagsamba sa kalikasan gaya ng araw, buwan, baha at bagyo, may katangiang animistiko rin ang relihiyon ng mga Sumerian. Ang “animismo” ay pagsamba sa kalikasan o espiritu ng kalikasan.