Answer:
Ang mga Thomasites ay ang unang guro ng mga Pilipino na ipinadala ng pamahalaang Amerikano. Sila ay dumating sa Pilipinas noong 1901 bilang bahagi ng pacification and Americanization ng Estados Unidos. Sila ang ginamit na instrumento ng mga Amerikano upang masakop at malupig ang Pilipinas.
Dahil sa mga Thomasites, naitampok ang kapangyarihan ng mga guro at ang kanilang dakilang kontribusyon sa ating bansa. Noong mga panahong iyon, ipinamalas ng mga gurong ito ang sakripisyo bunga ng malaking pagkakaiba sa pagkain, lupain, at klima. Idagdag pa ang pagkakaroon ng mga malulubhang karamdamang tulad ng kolera, malarya, at dengue, at ang kawalan ng maayos na palikuran, eskwelahan, school supplies, sweldo, komunikasyon sa mga mahal sa buhay, at seguridad laban sa bagyo at mga bandido.
Keywords: Thomasites, guro, pamahalaang Amerikano
stay safe!