Sumali sa IDNStudy.com at makakuha ng maraming kaalaman. Tuklasin ang malawak na hanay ng mga paksa at makahanap ng maaasahang sagot mula sa mga bihasang miyembro ng aming komunidad.

ano ang ibig sabihin ng banal na pagpapahalaga​

Sagot :

Answer:Banal na Pagpapahalaga:

Ang banal na pagpapahalaga ay ang ikaapat na antas ng hirarkiya ng pagpapahalaga na siyang pinakamataas sa lahat. Ito ang mga pagpapahalagang kailangan upang makamit ng tao ang kanyang kaganapan bilang paghahanda sa kanyang pagharap sa Diyos. Sapagkat ang pagkilos tungo sa kabanalan ang katuparan ng kaganapan ng tao, hindi lamang ang pisikal na kalikasan ng tao ang dapat na maging ganap ngunit maging ang kanyang ispiritwal na kalikasan.

Kaugnay nito, kinakailangan na maunawaan ng tao ang mga moral na prinsipyo na kalakip ng mga moral na kilos. Ang moral na kilos na nakabatay naman sa likas na batas moral na nagmula sa Diyos. Ang konsensya ng tao na patuloy na umiiral kasabay ng kamalayan sa mga moral na prinsipyo ay tiyak na paraan upang magkaroon ng mataas na antas ng pagpapahalaga.

Explanation: