IDNStudy.com, kung saan ang iyong mga tanong ay natutugunan ng eksaktong sagot. Tuklasin ang mga kumpletong sagot sa iyong mga tanong mula sa aming komunidad ng mga eksperto.
Sagot :
Ang limang
tema ng heograpiya ay ang lokasyon, lugar, rehiyon, paggalaw at ang interaksyon
ng tao sa kapaligiran. Ang lokasyon ay tumutukoy sa kinalalagyan o
kinaroroonan ng iba't ibang lugar sa daigdig na nahahati sa dalawa, ang
absolute o ganap na lokasyon at ang relatibong lokasyon. Ang lugar naman
ay ang mga natatanging katangian na matatagpuan sa isang lugar. Ang
pagkakabuklud-buklod ng magkaparehong kultural at katangiang pisikal ng isang
lugar ay pinangalanang rehiyon. Ang paggalaw ay tumutukoy sa pagkilos o
paglipat ng mga tao sa naunang lugar patungo sa isa pang lugar. Samantalang,
ang interaksyon ng tao sa kanyang kapaligiran ay ang relasyon o
ang pakikipag-ugnayan ng tao sa isang lugar na siyang pinagkukunan nito ng
pangangailangan.
Salamat sa iyong pakikilahok. Patuloy na magbahagi ng iyong mga ideya at kasagutan. Sama-sama tayong magpapaunlad ng isang komunidad ng karunungan at pagkatuto. Ang IDNStudy.com ay laging nandito upang tumulong sa iyo. Bumalik ka palagi para sa mga sagot sa iyong mga katanungan.