Sumali sa IDNStudy.com at makakuha ng maraming kaalaman. Sumali sa aming platform upang makatanggap ng mabilis at eksaktong tugon mula sa mga propesyonal sa iba't ibang larangan.
Answer:
Explanation:
Mga sintomas ng COVID-19
Kabilang sa mga sintomas ang:
bago at lumalalang pag-ubo
lagnat na mga 38°C
pangangapos ng hininga
masakit na lalamunan
pagbahing at tumutulong sipon
pansamantalang pagkawala ng pang-amoy
Ang COVID-19 ay ikinakalat ng maliliit na patak (droplets)
Ang COVID-19 ay ikinakalat ng maliliit na patak mula sa isang tao patungo sa iba. Mahahawahan ng virus ang mga tao sa pamamagitan ng kanilang mga mata, ilong o bibig.
Kapag umuubo, bumabahing, o nagsasalita ang isang taong may impeksyon, siya ay maaaring magkalat ng maliliit na patak na may taglay na virus. Ang maliliit na patak ay napakalaki upang manatili sa hangin nang matagal, kaya mabilis na bumabagsak ang mga ito sa ibabaw ng mga bagay na nakapaligid.