IDNStudy.com, ang iyong mapagkukunan para sa malinaw at mabilis na mga sagot. Makakuha ng mga sagot sa iyong mga tanong mula sa aming mga eksperto, handang magbigay ng mabilis at tiyak na solusyon.

ipaliwanag kung ano ang ibig sabihin ng salitang waray​

Sagot :

Answer:

hope it helps

brainliest pls

Explanation:

Ang Wináray, Win-áray, Wáray-Wáray o Waráy

(karaniwang binabaybay bilang Waray; tinutukoy din bilang Winaray o L(in)eyte-Samarnon)

Ito ay isang wika sa mga lalawigan ng Samar, Hilagang Samar, Silangang Samar, Leyte (silangang bahagi), at Biliran sa Pilipinas.

Ang pangkat ng mga wikang Waray ay binubuo ng Waray, Waray Sorsogon at Masbate Sorsogon. Bisakol ang tawag naman sa mga wikang Waray Sorsogon at Masbate Sorsogon dahil komplementaryo sila ng mga wikang Bisaya at Bikolano. Lahat ng wikang Waray ay kabilang sa grupo ng mga wikang Bisaya at may kaugnayan sa mga diyalektong Hiligaynon at Masbatenyo.

Bagama’t may pagtatalo, ang Samarnon-Lineyte ay tinatawag lamang na Waray dahil iisa lamang ang kanilang lingguahe na sinasalita. Gayumpaman, nagkakaiba naman sila sa mga ideya at proposisyon, at konstuksyon ng pangungusap. Dahil doon, ay may tinatawag na Samarnong Waray at Lineyteng Waray. Kahit pa na may pagkakaiba ang dalawang ito, nananantili pa rin ang kanilang wikang Waray bilang pangunahing wika sa mga probinsiyang ito.

Ayon sa Sanghiran san Binisaya ha Samar ug Leyte (Academy of the Visayan Language of Samar and Leyte) na nagsaliksik at nagrekomenda ng ortograpiya, ay wala pa ring opisyal na labas ukol sa natural na gamit nito. Ang epekto, magiging katanggap-tanggap ang anumang salita at bigkas gaya ng:

diri o dire ("hindi")

hira o hera ("sila")

maopay o maupay ("mabuti")

guinhatag o ginhatag ("binigay")

direcho o diritso

Sa rehiyon 8 ay kinapapalooban ng probinsya ng samar, leyte at biliran island. Ang tacloban city ay isa sa mga siyudad sa leyte. ang rehiyon na ito ay pinalilibutan ng yamang tubig. Sa probinsya ng Leyte maraming diyalek ang sinasalita at ito ay depende sa lugar kung nasaan ka. Kadalasan isa o dalawang oras na biyahe lang dito ay nagbabago agad ng dayalekto

Minsan ay waray o minsan ay bisaya. Ngunit kadalasan sa mga tao dito ay nakakaintindi at nakakasalita ng parehas na lingwahe.  pero may mga lugar  sa samar na ginagamit nila ay waray s pero iba pa rin ito sa waray na ginagamit sa leyte, halimbawa ang "sa" sa samar sa leyte ay "ha" . ang tawag dito ay waray "h" at waray "s".

Mga Salitang Waray:

Magandang (umaga/tanghali/hapon/gabi): Maupay nga (aga/udto/kulop/gab-i)

Maraming salamat sa iyong presensya. Patuloy na magbahagi ng impormasyon at karanasan. Sama-sama tayong magtutulungan upang makamit ang mas mataas na antas ng karunungan. Bumalik ka sa IDNStudy.com para sa maasahang mga sagot sa iyong mga katanungan. Salamat sa iyong tiwala.