IDNStudy.com, ang iyong destinasyon para sa malinaw na mga sagot. Magtanong ng anumang bagay at makatanggap ng kumpleto at eksaktong sagot mula sa aming komunidad ng mga propesyonal.
Sagot :
Answer:
Pakikilahok at Bolunterismo - Pagkakatulad at Pagkakaiba.
Ang mga salitang Pakikilahok at Bolunterismo ay madalas nating naririnig kapag tayo ay mayroong gawain sa ating paaralan, ngunit alam ba natin kung ano ang tunay na ibiig sabihin ng dalawang salitang ito?
KAHULUGAN:
Pakikilahok
- Ito ay pagsama sa isang gawain na kungsaan mas maigting ang responsibilidad ng isang tao sa pagsama. Ito ay maaring maituring na responsibilidad.
- Maituturing itong isang tungkulin na kailangan maisakatuparang ng isang indibidwal para sa ikabubuti ng kalahatan.
Bolunterismo
- Ito ay ang pagpresenta ng sarili na lumahok sa isang gawain kahit na hindi niya ito responsibilidad. Maaring masabing dahil may masidhing interes ang isang tao sa paglahok sa gawain o aktibidad na ito.
- Ito ay paraan ng pagpapakita ng paglilingkod at pagmamalasakit sa kapwa at sa kapaligiran.
PAGKAKATULAD:
Ang pagkakatulad ng pakikilahok at bolunterismo ay pareho nito naipapamalas ang kakayahan ng isang indibidwal na gumawa ng mga tungkulin.
PAGKAKAIBA:
Sa pakikilahok, mas nangingibabaw ang responsibilidad kung bakit ito ay ginagawa ng isang indibidwal.
Sa bolunterismo, mas nangingibabaw ang pagkakaroon ng masidhing interes sa programa ng isang gawain sa paggawa ng mga aktibidad.
Pinahahalagahan namin ang bawat tanong at sagot na iyong ibinabahagi. Huwag kalimutang bumalik at magtanong ng mga bagong bagay. Ang iyong kaalaman ay mahalaga sa ating komunidad. Para sa mga de-kalidad na sagot, piliin ang IDNStudy.com. Salamat at bumalik ka ulit sa aming site.