IDNStudy.com, ang iyong platform ng sanggunian para sa eksaktong mga sagot. Alamin ang mga detalyadong sagot sa iyong mga tanong mula sa aming malawak na kaalaman sa mga eksperto.

LABAW DONGGON
aan
(Epiko ng Lambunao, Iloilo)
Si Labaw Donggon ay isa sa tatlong anak nina Diwata Abyang Alunsina at
Buyung Paubari. Kagila-gilalas ang katauhan ni Labaw sapagkat kaagad siyang
lumaki pagkasilang pa lamang niya. Isa siyang matalinong batà, malakas, at
natuto kaagad magsalita.
Minsan ay nagpaalam siya sa kaniyang ina upang hanapin ang isang
babaeng nagngangalang Anggoy Ginbitinan.
Kaagad niyang narating ang lugar ng babae at napasang-ayon niyang
magpakasal sa kanya. Hindi pa nagtatagal na sila ay nakasal, umalis na naman
si Labaw upang suyuin ang isa pang babaeng si Anggoy Doroonan. Ito ay naging
asawa rin ni Labaw.
May nabalitaan na naman siyang isang magandang babaeng
nagngangalang Nagmalitong Yawa Sinagmaling Diwata kaya't pinuntahan na
naman niya ito. Ngunit si Nagmalitong Yawa ay may asawa na, si Buyong
Saragnayan. Ayaw ibigay ni Buyong Saragnayan ang asawa kay Labaw kaya't
sila ay naglaban.
Tumagal ng maraming taon ang paglalabanan dahil kapwa sila may
taglay na pambihirang lakas. Inilublob ni Labaw si Buyong sa tubig at ito'y
tumagal ng pitong taon sa ilalim ng tubig. Hinampas ni Labaw si Buyong ng
matitigas na puno ngunit nalasog lamang ang mga ito. Hinawakan ni Labaw si
Buyong sa mga paa at inikot-ikot ngunit buhay pa rin ito. Napagod si Labaw at
stvd naman ay itinali ni Buyong na parang baboy. Siya ay nanatiling nakatali sa
ilalim ng bahay nina Buyong
Samantala, nagkaanak si Anggoy Doroonan, si Baranugun. Nagpaalam
siva sa ina upang hanapin ang kaniyang ama. Nagkaanak din si Anggoy
Ginbitinan, si Asu Mangga. Nagpaalam din sa ina si Asu Mangga upang hanapin
ang ama. Nagkita ang magkapatid at nagsama sila upang mapalaya ang ama sa
mga kamay ni Buyong sa isang labanan. Naglaban ang dalawa ngunit hindi
nagapi ni Buyong si Baranugan. Humingi ng tulong sa mga impakto si Buyong
at isang kawan ang dumating sa ganitong pagkakataon nagtulong ang
magkapatid at nagtagumpay sila. Ngunit hindi mamatay matay si Buyong. Si
Barunugan ay humingi ng tulong sa kaniyang lolang si Abyang Alunsina. Ayon
sa lola, kailangang pumatay silang magkapatid ng isang baboy-ramo upang
mapatay nila si Buyong Natagpuan naman agad ng magkapatid ang
baboy ramo at ito ay kaagad nilang pinatay. Lumindol at nagdilim nang
mapatay ng magkapatid si Buyong
Ipinagpatuloy ng magkapatid ang paghahanap sa kanilang ama ngunit
wala ito sa silong ng bahay ni Buvong. Sina Humadapnon at Dumalapdap, mga
kapatid ni Labaw ay tumulong din sa paghahanap sa kaniya. Natagpuan nila si
Labaw na hindi na makarinig at hindi na magamit ang pag-iisip. Pinaliguan ni
Abyang Ginbitinan at Anggoy Doronoon si Labaw, binihisan at pinakain.
Inalagaan nila ito nang mabuti. Samantala si Buyung Humadapnon at Buyung
Dumalapdap ay ikinasal kina Burigadang Pada Sinaklang Bulawan at
Lubaylubyok Hanginon Mahuvukhuvukon. Ang dalawang babae ay ang
magagandang kapatid ni Nagmalitong Yawa,
Nang malaman ni Labaw Donggon ang kasal sinabi nito sa dalawang
asawa na nais niyang mapakasalan si Nagmalitong lawa Sinagmaling Diwata
"Gusto kong magkaroon ng isa pang anak na lalaki!" sabi ni Labaw
Donggon
Nagulat sina Abyang Ginbitinan at Anggoy Doronoon sa sinabi ng asawa
at dahil mahal na mahal nila ang asawa ay tinupad nila ang kahilingan nito.
Masayang masaya si Labaw nang naibalik ang kaniyang lakas at sigla ng isip at
ang kaniyang tinig ay umalingawngaw sa buong lupain.
Nagustuhan mo ba ang epikong iyong binasa? Bago natin ito talakayin
ang kuwento, sukatin mo muna ang iyong kaalaman kung pano nabuo ang
ilang salitang ginamit dito.

this is 12 points not to:
incorrect/nonsense/unhelpful​


LABAW DONGGONaanEpiko Ng Lambunao IloiloSi Labaw Donggon Ay Isa Sa Tatlong Anak Nina Diwata Abyang Alunsina AtBuyung Paubari Kagilagilalas Ang Katauhan Ni Labaw class=