IDNStudy.com, ang iyong destinasyon para sa malinaw at mabilis na mga sagot. Alamin ang mga detalyadong sagot mula sa mga bihasang miyembro ng aming komunidad na sumasaklaw sa iba't ibang paksa para sa lahat ng iyong pangangailangan.
Sagot :
Answer:
MGA SAKLAW NG HEOGRAPIYA:
1. Anyong Lupa.
2. Anyong Tubig.
3. Likas Yaman.
4. Klima at Panahon.
5. Flora at Fauna.
Explanation:
Ano-anu nga ang ibig sabihin ng bawat isa nito? Ating alamin.
Mga kahulugan nito:
1. Anyong Lupa
Ito ang mga kapatagan, malalawak na mga lupain na maaaring sakahan, taniman at tayuan ng mga bahay at haligi.
Mga halimbawa:
- mga burol.
- lambak.
- kabundukan.
- talampas.
- at mga bulubundukin.
2. Anyong Tubig
Ito ang mga karagatan, lawa, ilog, talon, sapa at marami pang uri ng mga katubigan sa daigdig.
3. Likas Yaman
Ito din ang mga natural na nakukuha mula sa mga anyong tubig at anyong lupa. Kalimitan sa mga ito ay ang mga hayop na kinakain at mga mineral.
4. Klima at Panahon
Ito ang pangkalahatang kalagayan ng atmospera sa isang lugar sa mahabang panahon at ang kondisyon ng atmospera o himpapawid sa isang lugar sa tiyak na oras.
5. Flora at Fauna
Ito ang mga halaman at mga hayop sa isang lugar.
Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa kahulugan ng heograpiya ay maaring tingnan ang link na ito. brainly.ph/question/126990
Ekonomiya o distribusyon Ito din ay saklaw ng heograpiya ang sistema ng pagtugon sa pangangailangan ng mga tao sa isang lugar.
Halimbawa:
- Pangkabuhayan.
- Kalakalan.
- Pagkain.
- Pamamalakad.
Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa saklaw ng heograpiya ay maaring tingnan ang link na ito. brainly.ph/question/118352
Interaksyon ng mga tao ito ay saklaw ng heograpiya ang mga ginagamit na wika at dayalekto na ginagamit sa pagsasalita, pagsusulat at pakikipag-ugnayan ng mga tao sa isang lugar. Ang sariling wika na ginagamit kung saan nakatira ang tao, iba sa pangkalahatang wika na tinatawag na internasyonal katulad nalang ng ingles dahil ito'y hindi matatawag na sariling wika bagkos kahit saang bansa o lugar ay pwedeng gagamit nito.
Mga halimbawa:
1. Pampook na wika.
2. Pambayan na wika.
3. Tribong wika.
Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa kahalagahan ng heograpiyang pantao ay maaring tingnan ang link na ito. brainly.ph/question/139378
Salamat sa iyong presensya. Patuloy na magtanong at magbahagi ng iyong mga ideya. Ang iyong kaalaman ay mahalaga sa ating komunidad. Salamat sa pagpili sa IDNStudy.com. Umaasa kami na makita ka ulit para sa mas maraming solusyon.