Tuklasin ang mundo ng kaalaman at mga sagot mula sa komunidad sa IDNStudy.com. Hanapin ang mga solusyong kailangan mo nang mabilis at tiyak sa tulong ng aming mga bihasang miyembro.

Gawain 8: Pasasalamat Mo, Ipahayag Mo
Panuto: Kung ikaw ay bibigyan ng pagkakataon, sino-sino ang mga taong gusto mong
pasalamatan? Sa isang papel, maaaring sumulat ng isang talumpati, sanaysay,
mensahe o tula na naglalaman ng mga taong gusto mong pasalamatan at kung paano
sila nakatulong upang mahubog ang iyong pagkatao.​


Sagot :

sagot:

Ang buhay kong ito'y sa inyo nagmula

Pangalawa sa Diyos na s'yang lumikha

Utang ko sa inyo ang aking hininga

Minahal, hinubog ng inyong kalinga.

Mga sakripisyo'y sadyang hindi biro

Mula ng ako'y iniluwal sa mundo

Pag-ibig na iniukol sa 'ki'y totoo

Pagmamahal ninyo'y nagsilbing lakas ko.

Ako'y tinuruan ng magandang asal

Sa gitna ng hirap ako'y pinag-aral

Upang 'di mapariwara ang aking buhay

Diplomang natanggap sa inyo ini-alay.

Ngayon ang buhay ko ay sadyang kay-palad

Pangarap ko'y unti-unting natutupad

Ito'y bunga ng 'nyong dakilang paglingap

Sa 'king puso'y walang hanggang pasalamat.

explanation:

ang taong gusto kong pasalamatan ay ang aking mga magulang at inaalay ko ang tulang ito para sa kanila.

sana nakatulong