Sumali sa IDNStudy.com at makuha ang mga sagot ng eksperto. Anuman ang kahirapan ng iyong mga tanong, ang aming komunidad ay may mga sagot na kailangan mo.
Sagot :
Answer:
Ang Kahalagahan ng Mabubuting Kaibigan
Ang mga kaibigan ay may malakas na impluwensya sa ating pagkilos, lalo na sa ating kabataan. “Malaki ang magiging impluwensya nila sa inyong pag-iisip at pagkilos, at maging sa kahihinatnan ng inyong pagkatao.”1 At kapag mabubuting kaibigan ang pinili ninyo, “malaking kalakasan at pagpapala sila sa inyo. … Tutulungan nila kayong maging mas mabuting tao at gagawing mas madali para sa inyo na ipamuhay ang ebanghelyo ni Jesucristo.”2
Sa mga pahina 52–53 ng isyu na ito, itinuro ni Elaine S. Dalton, Young Women general president, ang kahalagahan ng paghahanap ng at pagiging mabuting kaibigan. “Ang paghahangad sa pinakamabuting kapakanan ng ibang tao ang kahulugan ng tunay na pagkakaibigan,” sabi niya.
Ang pagkakaroon ng mga kaibigan batay sa alituntuning ito ay tutulong sa kabataan na bumuo ng mga pakikipag-ugnayan na magtatagal at pakikihalubilo na higit pa sa pagiging “mga kaibigan” sa mga social networking site. Bilang magulang matutulungan mo ang iyong mga anak na maunawaan ang kahalagahan ng pagiging mabuting kaibigan at pagpili ng mga kaibigan na hihikayat sa kanilang ipamuhay ang ebanghelyo. Ang sumusunod na mga mungkahi ay maaaring makatulong.
Mga Mungkahi sa Pagtuturo sa mga Kabataan
Bilang pamilya, saliksikin sa mga banal na kasulatan ang halimbawa ng mabubuting kaibigan. Talakayin kung anong mga katangian ang nagpatatag sa mga pagkakaibigang iyon. Isaalang-alang sina David at Jonathan (tingnan sa I Samuel 18–23), Ruth at Noemi (tingnan sa Ruth 1–2), at si Alma at ang mga anak ni Mosias (tingnan sa Mosias 27–28; Alma 17–20).3
Repasuhin ang bahaging tungkol sa mga kaibigan sa Para sa Lakas ng mga Kabataan. Ibahagi sa inyong mga tinedyer kung paano naimpluwensyahan ng mga pagkakaibigan ang inyong buhay. Anyayahan silang magbahagi kung paano nila naimpluwensyahan at paano sila naimpluwensyahan ng kanilang mga kaibigan.
Basahin ang artikulo ni Sister Dalton sa isyung ito. Pag-usapan ang mithiing itinakda ng kanyang anak na si Emi sa paghahanap ng mabubuting kaibigan. Tulungan ang inyong mga anak na magtakda ng mga mithiin kung anong uri ng kaibigan ang gusto nila at kung magiging anong klase ng kaibigan sila.
Isiping magdaos ng family home evening para ibahagi ang mga ideya sa pagkakaroon ng mga kaibigan, gaya ng: “Para magkaroon ng mabubuting kaibigan, maging mabuting kaibigan ka. Magpakita ng tunay na interes sa iba; ngumiti at ipaalam na nagmamalasakit kayo sa kanila. Pakitunguhan ang lahat nang may kabaitan at paggalang, at iwasang husgahan at pintasan ang mga nakapaligid sa inyo.”4
Mga Mungkahi sa Pagtuturo sa mga Bata
Kabilang sa pagiging kaibigan ang pagtulong sa iba. Basahin ang “Pagtatanggol kay Caleb” sa Marso 2009 Liahona at kausapin ang inyong mga anak tungkol sa mga paraan na magiging mabait sila sa bawat makilala nila.
Sa lahat ng situwasyon, dapat tayong magdesisyon kung magiging anong uri ng kaibigan tayo. Sama-samang kantahin ang “Sinisikap Kong Tularan si Jesus”5 at kausapin ang inyong mga anak kung paano sila pipili ng mabuting kaibigan, gaya ng Tagapagligtas, sa iba’t ibang pagkakataon.
HopeitHelps:)
Explanation:
Pinahahalagahan namin ang bawat tanong at sagot na iyong ibinabahagi. Patuloy na magbahagi ng impormasyon at karanasan. Ang iyong kaalaman ay mahalaga sa ating komunidad. Bawat tanong ay may sagot sa IDNStudy.com. Salamat at sa muling pagkikita para sa mas maraming solusyon.