Suriin ang IDNStudy.com para sa mabilis at maaasahang mga solusyon. Makakuha ng mabilis at eksaktong sagot sa iyong mga tanong mula sa aming mga eksperto na laging handang tumulong.

ano yong 20 mga kulturang popular​

Sagot :

Answer:

Ang kulturang popular ay ang tinatangkilik ng karamihan sa lipunan, halimbawa ang mga pelikula at ang mga teleserye, sa mga damit na sinusuot at ang mga artista na tinitingalaan namin – lahat ito ay nasa sakop ng kulturang popular. Ang ng ginagawa naming, sa mga salita at ang mga akysons – ito ang subconscious na pagnanais sa mga bagay na popular sa karamihan. Ito ang isang simpleng paliwanag para sa kulturang popular, pero ano talaga ANG ‘kulturang popular?’

May maraming ideyas na lumikha ang tinatawag naming ‘kulturang popular.’ Isa, tumatakbo ang kulturang popular sa prospekto ng kita. Kung walang kita o potensyal na negosyo mas maliit ang impluensya ang mga kompanya sa komunidad. Laging nagdadala ang mga kompanya ng mga bagay na nakatingin nila may potensyal na maging popular dahil ito ang paanong tumatakbo ang mga kompanya – nagdala ng mga produkto na lilikha ng pinakamaraming kita. Dahil sa itong pananaw, karaniwan maganda ang mga produkto na dinadala ng mga kompanya, katulad sa mga damit o mga restawrans, at ito ay gumagawa ang trend na sinusundan namin.

Gumagawa ang pagnanais na umiral sa kulturang popular ang konsepto ng sado-masokismo. Ito ang kagustuhan para makukuha ng kasiyahan sa pagkuha ng mga bagay na tinatawag naming ‘kulturang popular.’ Isang halimbawa ay ang kagustuhan ng bagong tatak ng Nike o Adidas na sapatos . Kahit mataas ang presyo nila, ang pangangailangan ng mga bagay na ito ay lumamang ng mas importanteng at mapakikinabangan na bagay. Ito ang negatibong aspekto ng sado-masokism sa kultura namin. Ito ang dahilan kung bakit may mga bagay na may pekeng tatak katulad sa mga bagay na binebenta sa Greenhills. Ang layunin ng mga ito ay para lang matutupad ng kasiyahan sa pamamagitan ng kahulugan na binibigay ng isang tatak.

Nagmula ang kulturang popular sa mga sentro ng lipunan. Ang Maynila, ang kapital ng Pilipinas, ay isang halimbawa – dumadaloy ng maraming internasyonal na negosyo sa mga sentro ng bayan dahil maraming ginaganap na mangalakal dito . Dahil iyon, malaki ang impluensya nila sa lipunan at ang pagkalantad sa mga internasyonal na produkto. Tumutulong ang nosyon na laging maganda ang mga dayuhang produkto sa pagkalat ng trend sa lipunan. Sa huli, dumadaloy ang impluensya ng mga ito sa mga iba’t ibang estado ng buhay.

Ito ang ilang mga ideyas na bumubuo ng tinatawagang naming kulturang popular, pero may mas malalim na pananaw na naroroon.

Hindi pareho ang kulturang popular sa lahat ng mga tao na sinusunod ito. Kahit na may isang particular na trend, maaring mayroong iba’t ibang kahulugan. Kahit na may isang partikular na bagay na itinuturing naming bilang isang ‘kulturang popular,’ ang mga tao ay may sariling pananaw sa pagkita ito. May iba’t ibang mga kategorya kung saan naming tingnan ang mga ibang ng mga tao.

Isang pananaw ay ang paghati ng itaas at ibaba o mga ibang estado ng buhay. Maaring tingnan ang isang tao sa isang partikular na trend depende sa kapasidad sa kanilang kaya para makabili ito. Isang halimbawa ay ang iPhone. Tinitingnan ng mga taong may kayamanan ng iPhone bilang isang normal na telepono at walang masyadong importansya sa kanilang bagay kundi iyon. Pero ang mga taong na wala masyadong kayaman at nagsakripisyo para makukuha nila ang iPhone ay bumubigay ng higit pang importansya at mas lalong silang magbigay ng kahalagaan so ito. Halimbawa ito sa isa sa mas maraming pananaw sa kulturang popular, may kultural na kategorya, na nakikita naming ng mga bagay sa pamamagitan ng mga sosyal na kaalaman. May global at lokal na kategorya na bumubigay ng relasyon ng dalawa sa ating lipunan katulad sa iHop, isang restawran. Mas maliit ang kanilang mga servings ng pagkain para makibagay sa mas maliit na apetito ng mga Pilipino.

May mas malalim na bagay sa pag-uunawa ng kulturang popular kasya sa kung ano ang maari naming makikita sa labas. Importante ang pag-aaral ng kulturang popular dahil bumibigay ito ng mas malaking kamalayan sa aming lipunan at ang kulturang naapekto ito.